Advertisers

Advertisers

SUNDALO AT KERIDA HULI NI MISIS MAGKASIPING

0 21

Advertisers

IPINAKULONG ng isang misis ang kaniyang mister na aktibong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) nang mahuli nito sa aktong kasiping ang kerida sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Lunes.

Noong Linggo nang gabi, Disyembre 29, rumesponde ang mga pulis sa Lapu-Lapu City nang ireklamo ng 42-anyos na ginang ang sundalong mister na may kalaguyong 21-anyos sa Mandaue.

Ayon sa ulat ng Lapu-Lapu City Police Station, sinabi ng misis na nakita ng kanyang kaibigan ang 41-anyos niyang mister na may kasamang batang babae 1:00 ng madaling araw.



Naaktuhan ng mga awtoridad ang sundalo at ang kerida nito na magkatabing natutulog sa loob ng inuupahang boarding house sa Sitio Malinao sa Barangay Agus.

Kapwa nakapiit ngayon ang sundalo at kalaguyo nito, habang inihahanda ang kasong concubinage at adultery na isasampa laban sa kanila.