Advertisers
BAKIT ko ipagkakatiwala ang kapalaran ng bansa sa mga palpak na senador tulad ni Bato dela Rosa, Bong Go, Pia Cayetano, Bong Revilla, Francis Tolentino, at Lito Lapid? Nandiyan sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan na maaaring ibalik. Sila ang mas karapat-dapat sa Senado.
Maaari ko rin idagdag sina France Castro, Heidi Mendoza, Teddy Casino, at Arlene Brosas. Hindi ako papayag na manatili sa Senado kahit isang segundo ang mga balimbing tulad ni Francis. Mga sagabal sila sa kaunlaran ng bansa.
Wala tayong dapat iboto sa kasapi ng mga malalaking pamilyang pulitikal. Hindi dapat iboto ang mga laos na artista na ang pangarap ay magkaroon ng pangalawang career sa Senado. Hinding hindi dapat iboto ang mga kasama sa Inferior criminal syndicate. Gamitin ang natirang dunong sa paghalal sa mga senador..
***
ITUTULOY ng QuadComm bago mag-umpisa ang sesyon na Kongreso sa Enero 13 ng taong ito ang public hearing sa pagsisiyasat sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi. Mas malawak at malalim na pagsusuri ang gagawin ng QuadComm upang malaman ang puno’t dulo ng giyera kontra droga ni Gongdi. Maraming napinsala ang digmaan ng mamamatay tao ng Davao City na si Gongdi.
Hindi pa inihahayag kung sino ang mga inimbitang panauhin na nagpapahayag ng nalalaman sa QuadComm, ang superbody na binubuo ng apat na komite ng Camara de Representante upang alamin ang mga pangyayari sa apat na isyu – paglabag sa karapatang pantao (human rights) ng gobyerno ni Gongdi, giyera kontra droga, at anomalya sa operasyon ng mga kompanyang POGO sa bansa. Hindi biro ang ginagawa ng QuadCom dahil natatanghal sa buong mundo ang kapalpakan ni Gongdi.
***
MINAMANMANAN namin ng buong tiyaga ang unang tatlong buwan, o first quarter, ng bawat taon dahil sa panahong ito nangyayari ang ilang pagbabagong pulitikal sa ating bansa. Kung susuriin ang kasaysayan, maraming nangyari sa unang tatlong buwan. Mayroon akong isinulat sa aking social media account tungkol sa kahalagahan ng unang tatlong buwan. Pakibasa.
UPHEAVALS. I’m watchful whenever the first quarter of every year comes. Great political upheavals of cataclysmic proportions in Phl history occur in the first quarter of every year. The First Quarter Storm of 1970, when political activism went on an upswing, EDSA 1, which ended the Marcos dictatorship, and EDSA 2, which kicked out the plunderer Erap, had occurred in the first quarter.
The weather is fine. It’s not hot; neither is it raining hard in the first three months of the year. Just the same, let’s be watchful. Who knows something cataclysmic may happen in the first quarter of 2024?
Definitely, political characters who intend to plunge into the 2025 midterm elections will announce their intentions in the first quarter. Or the ICC may come out with the inception report on its formal investigation on Gongdi and ilk. Or a change in U.S policy on China, as it further establishes its presence in East Asia.
The policy changes may include the strict implementation of the Magnitsky Law, and its expanded version, the Global Magnitsky. Or they may involve some movements in the military or the Cabinet, or some other issues. We can only surmise, or guess, or speculate, or hope.
***
MAY mahalagang kalatas ang mamamahayag na si Antonio Montalvan II sa kanyang social account: “Political patronage or not, Sara Duterte must be convicted in an impeachment court and penalized with a perpetual ban from public office.” Pinahahalagahan namin ang mga salita ni Montalvan dahil nakabase siya sa Cagayan de Oro City at alam niya ang mga nangyayari sa katimugang bahagi ng bansa.
Marapat pagtuunan ng pansin ang mga inihaing reklamong impeachment laban kay Misfit Sara dahil malaki ang pinsala na naidudulot ng kanyang pananatili si poder. Isa siyang salot sa bansa. Hindi maitatanggi na ninakaw niya ang P612-M confidential fund na ibinigay sa OVP at Deped na pareho niyang pinamunuan.
May post rin si Montalvan tungkol sa pagdalo ni Bong Go sa awarding night ng Metro Manila Film Festival (MIFF). Nagtataka siya kung bakit nandoon si Bong Go dahil walang naitulong ang mapagpanggap na senador sa film industry ng bansa. “Walang winning face,” sabi ko sa aking sarili. Pipitsugin at patapon si Bong Go kaya hindi dapat ihalal at ibalik s Senado.
Post rin ni Montalvan ang kanyang pagtutol sa tinuran ni Gongdi na dalawa sa kanyang mga apo ang nakatakdang mga alkalde ng Davao City sa susunod na panahon. Diyos mahabagin, isinumpa na ang bansa sa pagkakaroon ng mga ganitong lider.
***
MGA PILING SALITA: “We create the world we want.” – Maria Ressa, journalist, Nobel Peace Prize awardee