PROTESTA VS ‘BURIKI’ MALAPIT SA ESKUELAHAN SA BATANGAS: GEN. MARBIL, GOV. MANDANAS HINAMON!
Advertisers
Ni CRIS A. IBON
NAMON ng mga apektadong magulang at ng grupo ng anti-crime and vice crusaders sina PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, Batangas Governor Hermilando Mandanas, Batangas PNP Provincial Director Colonel Jacinto “Jack” Malinao Jr., at Batangas City Police Chief LtCol. Jephte Banderado na tuparin ang kanilang mandato bilang government officials at protectors ng mamamayan sa harap ng banta ng posibleng pagsabog ng tatlong malalaking kuta ng paihian/burikian, isa sa maaaring maapektuhan ay ang eskwelahan sa Barangay Banaba West, Batangas City.
May tatlong malalaking kuta ng sindikato ng buriki na nag-o-operate sa lalawigan ni Governor Mandanas. Ang una ay matatagpuan sa Bypass Road, Brgy. Banaba West malapit sa Integrated School at UC Gasoline Station; pangalawa ay sa Brgy. Banaba South sa tapat ng Toyota Cars Parking Area, at pangatlo ay sa loob ng compound ng isang beach resort sa Brgy. Simlong, pawang sa Batangas City.
Dahil sa kawalan ng aksyon laban sa naturang burikian/paihian ay kinondena ng mga miyembro ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) sina Gov. Mandanas, PD Col. Malinao Jr. at LtCol. Banderado dahil sa pagwawalang-bahala ng mga ito na walisin ang operasyon ng naturang sindikato, arestuhin at kasuhan ang mga lider ng mga ito na kinilalang sina “Rico Mendoza”, “Etring Payat”, “Efren” at “Balita”.
Si Gov. Mandanas ay nasa ikatlo at huling termino bilang gobernador ng Batangas, ngunit naghain ito ng kanyang kandidatura sa pagka bise-gobernador kalaban ang nabibilang sa Recto-Santos political dynasty na si Luis “Lucky” Santos-Manzano.
Ayon sa anti-crime and concerned group, dahil sa posibilidad na magkaroon ng malakihang pagsabog sa mga naturang burikian lalo na ang malapit sa Integrated School sa Brgy. Banaba West, nanawagan ang mga nababahalang mamamayan kina Gov. Mandanas at City School Superintendent Hermogenes M. Panganiban na sugpuin ang naturang burikian upang ‘di maapektuhan ang mga klase sa nabanggit na paaralan.
Hindi na iilan ang naganap na pagsabog ng mga burikian sa kalupaan at karagatan ng Batangas, kabilang na ang tatlong insidente sa Batangas City na naging mitsa ng kamatayan ng maraming inosenteng mamamayan at kapinsalaan sa milyong halaga ng ari-arian may ilang taon na ang nakararaan, ayon sa MKIKB.
Nagpaplano na ang mga magulang ng apektadong mga estudyante kasama ang MKKB na dumulog kina Gov. Mandanas, School Supt. Panganiban at PD Col. Malinao Jr. upang iparating ang posibleng pagsasagawa ng mga ito ng protesta kung ‘di karakang lansagin ang nakakatakot at delikadong operasyon ng buriki/paihi na malapit sa naturang paaralan.
Hindi lamang mga residente ang nasa peligro ang buhay pagkat malamang na madamay din ang mga nakaparadang sasakyan sa Toyota Parking Area sa tapat ng kuta nina Rico Mendoza, Etring Payat at Efren sa Brgy. Banaba South kapag sumambulat ang mga petroleum product at LPG sa naturang burikian, sabi ng MKKB.
Nagbabala din ang MKKB sa mga residente ng Brgy. Simlong na maging alerto at mapagmatyag hindi lamang sa pagsabog kundi maging sa polusyon naidudulot ng buriki/paihi operation ni Balita.
May ilang taon na ang nakaraan ay nagkaroon ng malawakang pagtagas ng mga pinatutulo/pinaiihing krudo mula sa mga tanker truck na nagbebenta ng nakaw na produkto sa kuta ni Balita na naging sanhi ng pagkalat ng kemikal sa Batangas City Bay. Gayunman ay inilihim ng ilang protektor nitong barangay at police officials ang naganap na polusyon upang ‘di mawala ang kanilang “palabigasan”.