Advertisers
NAGSASAGAWA na ng isang malalimang imbestigasyon ang Philippine Navy kaugnay sa pagkakarekober sa umano’y isang Chinese submersible drone sa bisinidad ng San Pascual sa Masbate City noong Lunes.
Ang nasabing remotely operated drone ay nadiskubre ng mga mangingisda at kanilang tinurn-over sa PNP.
Sinabi ni AFP Public Affairs Chief, Col. Xerxes Trinidad iniimbestigahan na ng Philippine Navy ito upang matukoy kung saan ito galing at ano ang purpose nito.
Binigyang-diin ni Trinidad ang kahalagahan ng kolaborasyon sa mga lokal na mangingisda at maritime stakeholders.
Pinuri ng AFP ang pagiging listo at ang patuloy na suporta sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga kahina hinalang aktibidad.
Hinimok din ng AFP ang ating mga mangingisda na ipagpatuloy ang kooperasyon at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon upang matiyak ang epektibong pagbabantay sa ating mga karagatan.
Tiniyak ni Trinidad na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay fully committed upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng ating maritime domain.
Pagtiyak pa ng opisyal na lahat ng military resources ay minobilized upang tugunan ang mga sitwasyon na may pag-iingat.