Advertisers

Advertisers

Patrimonio vs Duremdes!

0 5

Advertisers

Hindi po yan one-on-one nina Alvin at Kenneth. Labanan ito ng mga pamilya nina The Captain at Captain Marbel.

Naganap ito sa game show na Family Feud sa GMA Network. Nagkasagupa ang dating King Falcon at kanyang tatlong son kontra sa misis ng ex Haring Cardinal, anak, manugang at kaibigan.

Nagtagisan ng galing sa tv program sina Kenneth, Andre, Kenjie at Kylle vs Cindy, Angelo, Jasmin at Arnel.



Sa round 1 at 2 ay nakuha ng mga Duremdes. Nakaiskor sa third round ang mga Patrimonio. Nadale rin ng mga angkan ng Commissioner ng MPBL ang fourth period kaya sila nanalo ng P100,000 at nagplay ng Fast Money.

Higit na mabilis sila sumagot at mga tugon ay mas pasok sa survey. Kaso kinapos sila sa jackpot. Napili nilang charity ang Emmanuel at Jinkee Heart Foundation na tatanggap ng P20,000 mula sa show ni Dingdong Dantes.

Sa programa ay naikwento rin ni Kenneth ang ama ni Alvin ang nakadiskubre sa kanya bilang player. Pareho kasi silang taga- Marbel, q

***

Alam nyo bang tinanggihan ni LeBron James ang alok na $10M ng Reebook noong 2003?



Para sa 18 gulang na haiskul grad ay napakalaking pera na niyan lalo’t $17 lang kada buwan ang upa sa tinitirhan nila noon.

May nakahanda ng tseke ang hepe ng Reebok na si Paul Firemen sa harap ni LBJ nang nag-usap sila para hindi na niya harapin pa ang Adidas o Nike.

Sa Nike din nakipagsundo si James sa halagang $90M at ngayon ay may lifetime contract na aabot sa bilyon.

***

Hindi naman lahat ng bench tactician sa NBA ay minamalas.

Mayroon din naman coach na pinagpapala ng team owner/management kahit matagal na niya napagkampeon ang koponan.

Isa na riyan ang may dugong Pinoy na si Erik Spoelstra.

Kahit pa 2013 ang huli nilang titulo ay binigyan ng Heat ng $120M contract extension ang nagsimula sa kanila bilang video coordinator.

Bale 2 korona, 6 na Finals ang naipagkaloob ni Coach Spo sa Miami sa loob ng halos 17 taon.