Advertisers

Advertisers

MAY SPECIAL PERMIT NGA BA ANG MALA-CASINONG PERGALAN SA STA. MARIA, BULACAN?

0 22

Advertisers

Matapos maglatag ng mga lantarang sugalan sa Pampanga, mukhang dito naman sa probinsya ng Bulacan gusto magparami at magkalat ng sugalan itong si alyas Ricky Kiros.

Ayon sa ating source, nakakapagtakang mapagkalooban ito ng special permit gaya ng ipinagmamalaki ng may aring si Ricky, kaya open secret ang mala-casinong pasugalan sa loob ng peryahan.

Si Ricky ang kilalang may pinagmamalaking kasosyong mataas na opisyal ng NAPOLCOM sa Region 3 kasama ang kaibigan nitong si Louie.



Madalas umanong gamit ang kasosyo nitong opisyal ng NAPOLCOM, kaya walang tumatarimang R2, S2, GAB at maging ng opisina ng NAPOLCOM sa mga pwesto nito.

Ganun?

Parang namimili lang ng mga kinukuhanan ang mga nabanggit na units huh?

Madalas din umanong binibigyan ng porsiyento ang mga nakakasakop na Chief of Police ng kanyang itinatayong mala-casinong pergalan, kaya Bulag,Pipi,at Bingi daw ang mga pulis at opisyal.

Ano kaya ang masasabi ng Chief of Police ng Sta.Maria Bulacan na si PLTCOL Voltaire Rivera, Sir?



Hindi tuloy natin mawari kung saan nanggagaling ang special permit na ipinagmamalaki nitong si Ricky, kung sa ating kapulisan ba or sa mismong bayan ng Sta.Maria,Bulacan?

Alam kaya ito ni Mayor Omeng Ramos?

O baka may namamantikaan lang ng pasugalan ni Ricky sa tanggapan ni Mayor?

Pagdating sa permit, kung inisyuhan man ng permit to operate ang peryahan ng lokal na pamahalaan hindi naman siguro nangangahulugan na ligal na ang mala-casinong sugalan na nagtatago sa loob ng peryahan.

Ang ano mang iligal ay hindi maaaring ipagmalaking ligal.

Kaya ibinibida ng kupal na si Ricky na meron silang special permit para sa sugalan?

Magandang panimula ng taon ito para sa ating kapulisan at magkaroon naman ng buena manong pang huhuli ng sugalan ang PNP BULACAN.

Sa dami ng puwesto dyan ng mga pergalan sa probinsya, sampolan nyo ang puwesto ng kupal na si Ricky sa Sta Maria pati na ang opisyal na kasosyo o may porsiyento sa sugalang ito.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com