Advertisers

Advertisers

KC at Mommy Sharon nagkaayos na nitong Pasko

0 21

Advertisers

Ni Jimi Escala

ISA kami sa natutuwa dahil magkasama nung kapaskuhan ang nagkatampuhang mag-ina na sina Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion, huh!

Siyempre, happy rin ang Sharonians dahil masaya ang pasok ng taong 2025 dahil nagkaayos na sila ni KC, huh!



Sa post ni KC ay binanggit niya na Best Christmas ever daw niya iyon, huh!

Nag-post din si KC ng mga nangyayari sa buhay niya nung nakalipas na 2024 at sa caption niya ay nagpasalamat pa siya dahil nagkaayos na silang mag-ina.

Makikita sa video ni Sharon habang nilalaro ang furbabies ni KC na sina Churro at Chica.

Dagdag pa ng aktres na perpect way raw iyon para sa pagbubukas ng panibagong taon.

Siyempre ganun na lang ang pasasalamat ni KC sa Itaas dahil ang ganda raw ng timing nito.



“Forever yours, my mama,” banggit pa ni KC.

Ni-repost naman yun ng Megastar kasabay ng greetings sa panganay na anak “Happy New Year, my baby! I love you.”

Nag-post din si Sharon ng litrato nila ni KC na may caption na “Baby #1 of 4 and me”

Pero kaloka lang dahil may mga netizens na tila ayaw nilang maging masaya ang mag inang Sharon at KC, huh!

Ayon sa mga ito ay bumabalik lang daw si KC sa nanay niya kapag may problema siya sa pag-ibig, huh!

Pati ang asawa ni Mega na si Senator Kiko Pangilinan ay iniintriga din ng mga netizens, huh!

Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin nagkakaayos sina KC at Sen. Kiko, huh!

***

VERY much happy pa rin kami sa kaibigang newscaster na si Kapamilya Adrian Ayalin.

Si Adrian na ang bagong news anchor ng TV Patrol Weekend simula sa Sabado, Enero 4, 2025.

Makakasama ni Adrian bilang co-anchor si Zen Hernandez sa paghahatid ng mga maiinit na balita sa loob at labas ng bansa tuwing Sabado at Linggo.

Nag umpisa si Adrian early 2000 bilang tagahatid balita sa “Express Balita” ng channel 13. Kasama niya ang then newscaster na si Precious Hipolito.

Inagaw ng pulitika si Precious pero si Adrian ay nagtuloy tuloy at lumipat sa Kapamilya network.

Nag message kami kay Adrian congratulating him.

“Hehe salamat Kuya Jimi. Nahiya ako haha, thank you sa mga bosses ko sa ABS CBN”, sey pa niya.

Hasang hasa na si Adrian bilang isang mahusay na mamamahayag ng ABS-CBN News mula 2004, kung saan siya ang nakatoka sa pagbabalita ng mga pangyayari sa mga sangay ng gobyerno, pati pagtalakay sa mga hagupit ng kalamidad, armadong hidwaan, at iba pa.