Advertisers
Ni Rommel Placente
BUKAS si Enrique Gil na makatrabaho muli si Kathryn Bernardo. Una silang nagkasama sa seryeng Princess and I noong 2012 kasama sina Daniel Padilla at Khalil Ramos.
Narinig nga raw ng aktor ang tungkol dito, at game nga sya na muling makatrabaho ang ex ni Daniel. Pero wala pa naman daw sinasabing proyekto para sa kanila.
Nilinaw naman ni Enrique na tuluy tuloy lang ang pagiging producer niya ng Immerse Entertainment.
Nauna na niyang naging proyekto ang pelikulang pinagbidahan niya na I Am Not A Big Bird. Isa rin pala siya sa producers ng Strange Frequencies:Taiwan Killer Hospital, na naging entry sa MMFF.
Samantala, ang upcoming serye pala niya sa Kapamilya network this year ay co-produce din niya at bongga dahil sa Europe kukunan ang first episode nito.
Masaya raw siya, na siya ang nag-pitch ng kwento ng serye, at nagustuhan daw ni Cory Vidanes.
***
NAGPASALAMAT si Kim Chiu sa naging journey niya sa katatapos lamang na taong 2024.
Sa kanyang Instagram ay nagbahagi siya ng isang reel story ng mga naging ganap sa kanyang career.
“What a year! I am truly grateful and blessed to have experienced so much in just 12 months”, caption niya.
Ilan sa mga milestone na nangyari sa kaniya ay ang success ng Linlang at What’s Wrong With Secretary Kim, ang pagrampa niya bilang wagi sa Seoul International Drama Award sa Korea at marami pang iba.
Post pa niya, “Thank you for being a part of this incredible journey. If there are words beyond ‘thank you,’ that’s what I want to say to each of you. Here’s to making #2024 the most unforgettable year yet! CHEERS TO more fruitful, answered prayers, amazing year to come #2025 ??.”
Hindi rin naman naging perpekto dahil sa pagyao ng isa sa mga mentors niya sa telebisyon na si Deo Endrinal, pero aniya, sa mga trials na ito ay naging matatag siya.
Isa rin sa hindi inaasahang kaganapan sa career ni Kim ay ang pagkakaroon ng loveteam nila ni Paulo Avelino. Kaya naman nagpapasalamat siya sa lahat ng sumusuporta sa kanila na dahil nga sa lakas ng kanilang tambalan ay ipapalabas na ang launching movie nila as loveteam this February 12.
Hindi lang naman yan ang inaabangan ng kanilang fans this 2025 dahil abangers din ang kanilang mga faney kung kailan aamin ang dalawa ng tunay nilang relasyon.