Advertisers

Advertisers

DOH pinawi ang pangamba sa bagong virus sa China

0 34

Advertisers

TINANGGAL ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay sa sinasabing bagong virus na kumakalat sa China.

Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Health Asec. Albert Domingo, na maraming disease concerns ang nagaganap sa buong mundo na hindi aniya nakararating o nairereport sa departamento.

Pahayag ni Domingo, hindi dapat seryosohin at katakutan ang kumakalat na balita dahil normal lang aniya na may naitatalang iba’t ibang sakit lalo na sa malamig na panahon.



Ayon sa opisyal, maliban sa MPOX virus, wala pang bansa ang nagdeklara ng public health emergency.

Siniguro naman ni Asec. Domingo ang mahigpit na pagbabantay ng kanilang departamento kaugnay sa mga sakit na naitatala sa bansa.