Advertisers
PATAY ang isang katao sa pagsabog ng granada sa isang peryahan sa Sitio Condring, Barangay Marbel, Matalam, Cotabato, Martes ng gabi, bisperas ng Bagong Taon.
Kinilala ang nasawi na si Romel Presto Cabiso, residente ng Barangay Marbel.
Agad dinala ng mga rumespondeng pulis ang iba pang nasugatang biktima sa ospital.
Agad na nanawagan si Matalam Vice Mayor Ralph “Raprap” Rafael sa pulisya na kilalanin ang mga responsible sa pagpapasabog ng granada sa naturang peryahan.