Nora atras na sa pagtakbong nominee sa partylist; Vilma tanggap ang pagkatalong best actress sa MMFF
Advertisers
Ni Rommel Placente
IN fairness, ang husay ni Vilma Santos sa pelikulang pinagbibidahan niya na Uninvited, na isa sa official entry sa MMFF 2024. Mula ito sa Mentorque Prductions at sa direksyon ni Dan Villegas.
Gumaganap dito si ate Vi bilang si Lilia Capistrano / Eva Candelaria, na ina ni Lily na ginagampaman ni Gabby Padilla.
Sa pelikula ay ni-rape ni Guilly Vega, na isang billionaire, portrayed by Aga Muhlach si Lily at pagkatapos ay pinapatay sa kanyang mga tauhan
Hindi matanggap ni ate Vi ang masaklap na sinapit ng kanyang anak. Kaya naman nang malaman niya kung sino ang nang-rape rito, at mga involved sa pagkamatay nito, ay ipinaghiganti niya ito.
Sa ika-55th birthday ni Aga, roon isinagawa ni ate Vi ang pagpatay dito, at sa kanyang mga tauhan.
Ang galing-galing talaga ni ate Vi sa pelikula. Ramdam na ramdam mo talaga sa kanyang emosyon ang galit sa mga may kinalaman sa pagpatay sa anak. Saludo kami sa akting na ipinamalas ni ate Vi sa Uninvited. At maging si Aga ay napakahusay dito. Kaiinisan at magagalit ka talaga sa kanya, sa pagiging masama niya sa Uninvited.
Nagtataka nga ang kami kung bakit hindi siya na-na-nominate for Best Actor category sa katatapos lang na Gabi ng Parangal ng MMFF. Pero ganunman, nirerespeto namin ang naging desisyon ng mga hurado.
Si ate Vi,bagama’t hindi nanalo for Best Actress category ay tanggap naman ang pagkatalo. Si ate Vi pa, sport naman siyang tao, marunong siyang tumanggap ng pagkatalo, sa totoo. At wala na naman siyang dapat patunayan pa. Hindi na nga mabilang ang mga acting trophies na naiuwi niya.
Watch ninyo ang Uninvited, gaya namin, siguradong magugustuhan ninyo ito. at talagang mapapahanga kayo sa akting na ipinamalas dito nina Ate Vi at Aga.
***
KAPAG nagkataon ay magiging malabo ang pagsabak ng National Artist na si Nora Aunor sa Election 2025. Napag-alaman kasi namin sa isang reliable source, na balak mag-withdraw ng Superstar bilang 2nd nominee sa People’s Champ Guardians Partylist.
Personal daw ang dahilan ng award-winning actress, at kung totoo man ito ay mapipilayan ang naturang Party List dahil sa totoo lang, marami pa ring supporters si ate Guy.
Napag-alaman din namin na posibleng magpatawag ng presscon si Ate Guy tungkol sa bagay na ito kung sakali ngang hindi na siya tutuloy sa pagtakbo.
Dagdag pa ng aming source na malapit sa aktres, nalungkot daw ito, dahil isa siya sa mga naniniwala na may magagawa si ate Guy kung mauupo ito sa House of Representatives. Nasa puso raw kasi nito ang pagtulong noon pa, kahit wala siya sa pulitika.