Advertisers
HINDI na umabot ng pagpapalit ng taon ang isang babae nang mapatay ito sa saksak ng live-in partner nang aminin nitong may iba pa siyang karelasyon sa Atimonan, Quezon, bisperas ng Bagong Taon.
Kinilala ang biktima na si Jollie; habang ang salarin ay si Jerold, 38 anyos, sa kanilang bahay.
Ayon sa report ng Atimonan Police, nag-iinuman ang dalawa 4:30 ng hapon nang aminin umano ng 31-anyos na biktima na may iba pa siyang lalaking karelasyon.
Dito nagsimula ang mainitang pagtatalo ng dalawa na humantong sa pananaksak sa babae.
Isinugod ang biktima sa Doña Marta District Hospital pero idineklara itong dead on arrival.
Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang krimen, pero sumuko rin ito sa presinto makaraan ang dalawang oras. Inamin nito ang nagawa niyang krimen.