Advertisers
Ni Jimi Escala
HINDI pa matapus- tapos ang usapan hinggil sa 50th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap nung Huwebes, Disyembre 27.
Sinisisi siyempre ang desisyon ng MMFF jurors na hindi isinama sa listahan ng mga nominado sina Aga Muhlach at Direk Dan Villegas for “Uninvited.”
Ganun din naman sina
Eugene Domingo at Gladys Reyes na hindi rin isinama sa Best Supporting Actress category at si Jun Lana para naman sa pagka-best director para sa pelikulang “And The Breadwinner Is.”
Initsapuwera pa rin ng jurors si Carlo Aquino for “best actor” sa “Hold Me Close.”
Wala naming kuwestiyon sa mga inilabas nilang winners lahat deserving pero naniniwala kaming dapat at karapat dapat pa ring “best actress” ang Star for All Seasons Vilma Santos.
***
PINUTAKTI pa rin ng iba’t ibang saloobin ang Metro Manila Film Festival.
Ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz ay may mga suggestions din para sa mas maging maayos, organisado at pantay-pantay ang pagsasagawa ng MMFF.
Unang pakiusap niya na sana raw ibalik na lang sa anim o hanggang walo ang filmfest entries, huh!
Pati ang pagkaroon daw na aware rin naman si Ogie na nagpapasaya ang magarbo, kumikinang at makulay na parada ng mga float bago mag-Pasko ay isang balakid sa maayos na daloy ng trapiko at siyempre dahil malaking dagok pa rin sa producer dahil sa dagdag gastos ng mga ito, huh!
Pero pagdating naman sa paglalabas ng mga sinehan ay mukhang hindi pa rin ang MMDA ang may one hundred percent na may pakialam.
Dahil may mga sinehan pa rin na ang mga ito ang masusunod kung anong pelikula ang gusto nilang ipalabas, huh!
Isang karangalan nga naman sa producer ba mapasama sa MMFF entries pero kung ilang sinehan lang ang makukuha nila ay pwede na rin, ganun po ba?
Lagi na lang bang umaasa ang mga kalahok na produ na sana mapansin ang pelikula nila na magwagi sa awards night para madagdagan ang mga sinehan nila, huh!
Pero kadalasan naman kung anong movie ang dinudumog ay ang mga ito pa rin ang naghati hati sa mga parangal na pinamimigay, huh!
***
NAKAKAAPEKTO nga siguro na walang pambatang pelikula ngayong 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival.
Hindi ito kasalanan ng MMFF na walang nag-submit , huh!
Nag-drama si Bossing Vic Sotto at ganundin si Vice Ganda na parehong tinalo rin siyempre ni Dennis Trillo ng “Green Bones”, huh!
But anyway, in terms of 50th celebration, masasabi naman talagang ginawa lahat ng MMFF executive committee upang mas maging bongga ang pagdiriwang this year as in level up sila, huh!
Kapuri puri ang efforts ng MMFF ang ginawa nilang pag-revive sa Student Short Film Caravan and Festival, Film Master Classes, the Multi-Agency Serbisyo Fair, ang announcement of the official entries, na ginanap pa the Celebrity Golf Tournament to raise funds for Mowelfund, ang Konsyerto sa Palasyo, the Grand Media Con and Fans Day sa Gateway, the Spectacular Parade of Stars and Musicfest from the Kartilya Ng Katipunan to The Manila Central Post Office hanggang sa special edition trophy, red carpet at souvenir program. Pati ang food at pag-imbita ng mga taga media ay very well organisado, huh!
Kaya our congratulations sa
Executive Committee, lalong lalo na kay Sir Noel Ferrer na super pr na spokesperson ng #MMFF50.
Well as of presstime, nangunguna pa rin ang And The Breadwinner Is…, The Kingdom, at ang Uninvited, Green Bones, at Espantaho.