Advertisers
Ni Archie Liao
INILABAS na ang pamosong TC Candler ng listahan ng 100 Most Beautiful Faces of 2024.
Sa isang pambihirang pagkakataon, isang Pinay ang nangibabaw at hinirang na “Most Beautiful Face” sa taong ito.
Ito ay walang iba kundi ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, na umakyat mula #16 noong debut year niya noong 2023.
Siya ang iniluklok ng maraming netizens sa buong mundo gamit ang iba’t ibang platforms tulad ng Facebook, YouTube at Patreon.
Kinabog ni Andrea ang Lavender Fields star na si Janine Gutierrez na nasa ika-28 na puwesto, Hall of Famer at 2017 Most Beautiful Face at aktres na si Liza Soberano ay pasok pa rin sa final list sa #31.
Ang New Gen Phenomenal Actress at “How To Spot A Red Flag” star na si Belle Mariano ay umangat din ang ranggo ngayong 2024 sa #52.
Ang Kapamilya actress, model at top influencer na si Ivana Alawi ay nasa #69, habang ang Pinay member ng grupong Unis na si Gehlee Dangca ay isa sa Pinay new entries ngayong taong ito sa #82. Ang isa sa mga myembro ng Nation’s Girl Group na BINI_ph na si Aiah Arceta ay nag-debut din sa TC Candler sa #88.