Advertisers

Advertisers

P194-B line items vineto… 2025 NAT’L BUDGET PIRMADO NA NI PBBM

0 18

Advertisers

ISA nang ganap na batas ang General Appropriations Act (GAA) matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Disyembre 30.

Bagama’t hindi vineto ni PBBM ang GAA sa kabuuan, inalis naman ang nasa 194 billion pesos na halaga ng line items.

Sa kanyang talumpati sa signing ceremony na ginanap sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo ba ang mga tinanggal na parte ng bill ay hindi naaayon sa mga programmed priorities ng administrasyon.



Aniya, kabilang dito ang ilang programa at proyekto ng DPWH at iba pa na nakahanay sa Unprogrammed Appropriations, na sinasabing lumobo ng tatlong daang porsyento.

Tiniyak naman ng punong ehekutibo na isusulong pa rin ang conditional implementation ng ilang items upang masigurong magagamit ang pondo ng bayan, batay sa awtorisado at nasasaad na paglalaanan nito.

Nilinaw din ng Pangulo na tuloy pa rin ang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program kung saan magsasanib-pwersa sa implementasyon nito ang DSWD, DOLE at NEDA.

Paliwanag niya, sa ganitong paraan ay hindi lamang pansamantalang solusyon ang mailalatag kundi magkakaroon din ng long-time improvement ang buhay ng mga benepisyaryo habang tinitiyak na walang duplikasyon at nagagamit nang tama ang pondo.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga na hindi masisira ang tiwala ng publiko sa paglalabas ng pondo ng bayan. (Gilbert Perdez)