Advertisers

Advertisers

Jerome Sang naniniwala sa lotto

0 39

Advertisers

Ni Archie Liao

GO pa man naging regular host ng PCSO si Jerome Sang ay nagho-host na siya noon sa iba’t ibang gigs at events.

“I do events hosting talaga ever since and even before pandemic. From there, I get the chance to audition for hosting gigs including sa IBC-TV. For sometime, I’ve been hosting for PCSO as well,” lahad niya.



Aniya, tumataya rin daw siya sa lotto hindi lamang para magkaroon ng tsansang manalo kundi naniniwala siya sa adbokasya nitong makatulong sa pamamagitan ng charity works nito.

Bukod sa pagho-hosting ng nasabing national betting game show, regular host din ang Chinito charmer ng programang “Doc, True Ba?” sa IBC-TV.

“It’s a health and wellness show that tackles different topics about the medical field including mental health,” aniya.

Hirit pa niya, malapit daw sa kanya ang show dahil sa kurso niyang Master of Arts in Counselling.

“It tackles mental health issues also. It’s related to my course. Actually, tinake ko siya because I had a relative na nasa borderline autism,” paliwanag niya. “I got also interested in therapeutic communications, on how to deal with different people, on understanding the behavior noong mga tao. Sobrang flattered lang ako to be part of a show that becomes a program to increase knowledge and raise public awareness on mental health,” sey niya.



Maliban sa hosting, isa ring magaling na singer si Jerome.

Katunayan, naging bahagi siya ng “The Rocks N Rozz Show – Christmas Special” kamakailan.

“I’ve been doing shows in Kumu streaming platforms during pandemic. Doon kami nagkakilala ni Ms. Bless thru the show of Nick Vera Perez where I also got the chance to perform,” pagbabahagi niya.

Kumpara sa singing, mas matimbang daw sa kanya ang hosting.

“Mas bet ko po ang hosting. It just so happened that marunong din po akong kumanta,” aniya.

Sey pa ni Jerome, inspirasyon daw niya sa pagkanta si Gary Valenciano at paboritong piyesa niya ang spiritual song nitong “Warrior is a Child.”

Bet naman niya among new breed of singers si Klarisse de Guzman.

Showbiz crush naman niya ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis.

Kung sakaling sasabak man siya sa showbiz, gusto niyang sundan ang yapak ni Piolo Pascual na hindi lang umaarte kundi kumakanta.

Speaking of PCSO, may bago na itong tahanan dahil mapapanood na ang lottery draw nito sa IBC-13 at D8TV.

Pinagsanib na puwersa ito ng PCSO, Intercontinental Broadcasting Corporation at Digital 8 upang mapalawak ang nararating na mapagseserbisyuhan habang patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino na sundan ang kanilang paboritong lotto games kahit saang lugar at kahit anong oras.

Itatampok ng PCSO Lottery Draw ang mga sikat na laro gaya ng Ultra Lotto 6/58, Grand Lotto 6/55, Super Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45 at Lotto 6/42 at dadalhin din ang 6D, 4D, 3D at 2D Lotto at ipalalabas nang live araw-araw, Lunes hanggang Linggo bandang alas-2 pm, 5pm at 9pm.

Mula sa unang pagkakataon simula nang magsimula ang lotto draws ilang taon na ang nakalilipas, makapanonood na ng draw nang sabay sa analog at digital IBC-13, D8TV at IBC DWAN 1206 AM channels. Available rin ang livestreaming sa official online platforms kabilang na ang websites, Facebook at YouTube channels ng PCSO, IBC 13 at DWAN 1206.

Ihahatid ng IBC-13 sa pakikipagtambalan sa isang papalakas na network na pinatunayan ng paglulunsad ngayong Disyembre ng bagong Digital Terrestrial TV (DTT) transmitters sa Baguio at Davao. Kabilang na rin sila sa DTT stations ng Iloilo, Cebu at susundan pa ng digitalization ng Laoag at Cagayan de Oro at ang pagpapatayo ng original (OG) digital stations sa Leyte, Samar, Surigao, Naga, Masbate, Legaspi, Catanduanes, GenSan, Agusan, Puerto Princesa, Coron, Pagadian, Tuguegarao, Cauayan, Batangas, Bulacan at Zamboanga.

Maliban sa mapapalapit ang Executive at Legislature na mga programa sa masa, sasanib din ang IBC-13 sa infotainment programming sa mga bago nilang programa na ilulunsad sa unang quarter ng taong 2025, ang Cooltura, Legally Speaking, Sayanista, Kalye Sining at Barangay Trese.