Advertisers
KUMAYOD si Tyrese Haliburton ng 31 points upang tulungan ang Indiana Pacers na makaganti sa NBA champion Celtics sa nakakabilib na 123-114 victory sa Boston Linggo(Lunes Manila time).
Dalawang araw matapos umiskor si Jaylen Brown ng 44 points upang itulak ang Celtics sa 142-105 blowout victory laban sa Indiana, gumanti ang Pacers.
Nagdagdag si Haliburton ng six rebounds at seven assists walang turnover at anim na players ang umiskor ng double figures para sa Indiana.
Nanateling mainit si Brown, nagdeliver ng 31 points on 13-of-21 shooting at may anim na assists.Jayson Tatum nagdagdag ng 22 points may nine rebounds at anim na assists.
Pascal Siakam at Andrew Nembhard umiskor ng tig-17 points para sa Indiana, Nagdagdag si Nembhard ng eight rebounds at eight assists sa kanyang pagbalik matapos lumiban sa laro Biyernes dahil sa knee tendinitis.
Sa Orlando,Cole Anthony naisalpak ang game-winning layup para sa Magic at burahin ang 21-point deficit para igupo ang Brooklyn Nets, 102-101.
Tristan da Silva umiskor ng 21 points upang pamunuan ang injury-ravaged Magic. Goga Bitadze nagdagdag ng 19 at Anthony umiskor ng lima sa kanyang 10 sa fourth quarter para sa Orlando.