Advertisers
KUNG matino kang tao na naghahangad ng kabutihan ng bansa, bakit mo iboboto si Bong Revilla, o Pandaya? Walang ginawa na matino sa Senado si Bodots at kabilang siya sa pinakamalaking dinastiya sa Cavite – ang pamilya Revilla.
Bakit mo rin ihahalal sina Abby Binay at Camille Villa na parehong kabilang sa malaking dinastiya? Ano ang credential nila s buhay upang maging mga senadora. Kasapi lang sila ng malalaking political dynasty sa bansa. Walang batayan.
Ihalal sina Heidi Mendoza, Teddy Casino, Arlene Brosas, France Castro, Bam Aquino, at Kiko Pangilinan sa Mayo. Mas mararangal silang tao kesa sa ibang pulitiko.
Isa sa pangunahing layunin sa 2025 ay ang tuluyang gapiin ang mga Duterte. Mapayapa ang matiwasay ang bansa kung mawawala ng ganap ang mga Duterte at kanilang alipures sa 2025. Pangkalahatang layunin: Isang Filipinas na walang Duterte sa 2025.
***
PAANO na ang sakdal na naisampa sa International Criminal Court (ICC) kung maghahain ang gobyerno ni BBM, lalo na ang Department of Justice (DoJ), ng sariling sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat sa lokal na hukuman? Nangangahulugan ban a wawakasan na lang o itatapon ang sakdal na kasalukuyang gumugulong sa ICC?
May batayan ang tanong na ito kung igigiit ng gobyerno ng Filipinas ang sariling diskarte sa isyung kriminal laban sa mamamatay tao na si Gongdi at sampu ng kanyang mga alagad, ayon kay Kristina Conti, isa sa mga manananggol na kasapi sa National Union of People’s Lawyers (NUPL).
Para sa kanya, mas mabuti na hayaan gumulong ang sakdal sa ICC at huwag itong saklawan ng gobyerno sapagkat nauna ng walong taon ang ICC sa pagsisiyasat kay Gongdi kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na naunang iniharap ni Sonny Trillanes, Gary Alejano at Samahang Magdalo laban kay Gongdi.
Ngayon pa lang mag-uumpisa ang DoJ sa pagsisiyasat kay Gongdi at kaalyado at may deadline ito sa katapusan ng Enero, aniya. Masyadong malayo ang pagkakaiba ng ICC at ang sistema sa katarungan sa bansa, ani Conti. Masyado tayong naiwan sa pag-uusig kay Gongdi at sa mga iba pang salarin, aniya sa “Facts First” podcast ni Christian Esguerra.
Binasa noong Huwebes ni Surigao del Norte Kin. Robert Ace Barbers sa huling plenary session ng Camara sa taong ito ang partial report ng QuadComm kung hiningi ng supercommittee ang agarang pagsasampa ng sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi, Bato, Bong Go, Hen. Oscar Albayalde, at Hen. Debold Sinas. Hininging ibatay ang sakdal sa RA 9841, ang batas kontra crimes against humanity, genocide, at paglabag sa international humanitarian law.
Bago nagwakas ang sesyon ng Camara de Representante, nagtalumpati si Rep. Robert Ace Barbers, hepe ng Committee on Illegal Drugs, tungkol sa rekomendasyon ng QuadComm na magsampa ng sakdal na crimes against humanity charges laban kay Gongdi, Bato, at Bong Go, at dating hepe ng PNP na sina retiradong Hen. Oscar Albayalde at Debold Sinas kaugnay sa madugo pero bigong war on drugs ni Gongdi na kumitil na mahigit 20,000 katao.
Batayan ni Barbers ang RA 9851, ang lokal na batas na gigiya sa mga sakdal na crimes against humanity at iba pang paglabag sa mga pandaigdigan batas at kasunduan hinggil sa karapatang pantao at genocide.
Malayo na ang narrating ng mga sakdal laban kay Gongdi at mga kasapakat sa ICC, ngunit walang salungatan ang sakdal sa ICC at anuman sakdal na ihaharap sa bansa, ani dating Sen. Leila de Lima
Inihabla ni Sonny Trillanes, Gary Alejano at Samahang Magdalo sina Gongdi noong 2017 s panahon walang nangahas na pinakamalakas si Gongdi at walang nangahas na sumuway sa kanyang nais. Nasa estado ng “formal investigation” ang kanilang sakdal.
Sa kanyang pagharap sa QuadComm public hearing, sinabi ni de Lima na may poder ang gobyerno ng Filipinas sa ilalim ng RA 9851 na hayaan ang ICC na ituloy ang ga sakdal na nasa kamay ng ICC kahit may mga sakdal na ihaharap sa lokal na hukuman.
Isinasaad ng Section 17 ng RA 9851: “In the interest of justice, the relevant Philippine authorities may dispense with the investigation or prosecution of a crime punishable under this Act if another court or international tribunal is already conducting the investigation or undertaking the prosecution of such crime. Instead, the authorities may surrender or extradite suspected or accused persons in the Philippines to the appropriate international court, if any, or to another State pursuant to the applicable extradition laws and treaties.”
***
MGA PILING SALITA: “Kaybilis ng Panahon. Yes, ang bilis ng panahon. Malapit na ang New Year. Susunod ang piyesta ng Poong Nazareno sa Quiapo sa Enero 9 at Sto Nino sa Tundo at Pandacan sa ikatlong Linggo ng Enero. Pasok ang Chinese New Year. Hindi ka mainip, Valentines’ Day na pala. Bago pumasok ang tag-init, selebrasyon ng EDSA People Revolution. Umpisa na ng tag-init. Malamang sumali ka sa Flores de Mayo at Santakrusan. Nandiyan ang Mahal na Araw. Marinig mo ang mga Pabasa at masasaksihan ang mga Senakulo. Hindi ka mainip, tag-ulan at at pasukan sa eskuwela. Ito rin ang panahon na abala tayo sa bagyo, baha, landslide, at iba pa, Mga ilang bagyo ang titiisin at umulit na ang mga Ber months. Pasok ang Undas sa Nobyembre. Lumamig ang panahon at eto Pasko na naman… Paulit-ulit lang, ngunit may halong saya kahit paano. Teka, New Year uli. Happy New Dear rin sa mga biyudo at biyuda, sa mga may balak magpalit ng siyota at iniwan ng siyota. Ganyan lang ang buhay.” – PL, netizen, kritiko