Advertisers

Advertisers

DALAWANG PASAHERO ‘NAGSABONG’ SA LOOB NG NAIA TERMINAL 1

0 25

Advertisers

NAGMISTULANG ‘cockfight arena’ nang magkagirian ang dalawang pasahero sa loob ng eroplano hanggang makalabas na nagdulot ng kaguluhan matapos na magsuntukan sa customs arrival area, sa tapat ng isang rest room ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, Pasay City

Sa imbestigasyon ng PNP Aviation Security Group, nakilala ang dalawang pasahero na sina
Kim Cary Temblique, 34,ng Sta Maria Bulacan at Anthony Asuncion, 49 , tubong Maynila. Sila ay pasahero ng Philippine airlines mula Vietnam patungong Maynila.

Ayon sa ulat ng pulisya, sa loob pa lang ng eroplano ay nagkagirian na ang dalawang pasahero nang magalit ang isa sa kanila nang ipahiga ng pasaherong nasa unahan ang kanyang upuan sa likuran nito.



Sa ganitong tagpo, nakita ng ilang pasahero ang palitan ng maaanghang na salita ng dalawa hanggang madamay umano ang kanilang mga kasama na pamilya.

Nang makalabas ng eroplano hanggang makarating sa baggage conveyor ay hindi pa rin nagpaawat ang dalawa na parehong mainit ang ulo kaya nagkasundo ang mga ito na magsuntukan sa tapat ng isang rest room.

Ang kaguluhan ay nakarating sa kaalaman ng mga guwardya kayat agad silang rumesponde at inaawat ang dalawang pasahero kung saan ay dinala nila sa PNP Aviation Security Investigation para sa imbestigasyon. (JOJO SADIWA)