Advertisers
Ni Jimi Escala
NILIGWAK at hindi pumasa sa panlasa ng mga hurado sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pinalakpakang acting ni Aga Muhlach sa pelikulang Uninvited.
Ewan kung ano mang kadahilanan at initsapuwera ng mga ito ang kakaibang acting ni Aga, huh!
Walang tapon din naman ang ipinakitang akting ng nagwaging “best actor” na si Dennis Trillo sa pelikulang “Green Bones”, huh!
Kasama ni Dennis sa mga nominado sa this year’s MMFF sina
Vice Ganda (And The Breadwinner Is…), Seth Fedelin (My Future You), Vic Sotto (The Kingdom), Piolo Pascual (The Kingdom), at Arjo Atayde (Topakk).
Wala ang name ni Aga Muhlach, nagkataon pa namang ang isa sa presenters ng nasabing kategorya ay ang co star ni Aga sa pelikulang “ Uninvited” na si Tirso Cruz along with Makati Mayor Abby Binay, at John Arcilla na isa sa mga hurado, huh!
Kasama si John sa labing tatlong hurado sa 50TH MMFF jurors.
Ang chairman ng board of jurors ay si Dr. Nicanor Tiongson, theater critic at dating bise-presidente ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na mas higit na mas malapit daw sa isang aktres, huh!
Ang co-chairman ay ang multi-awarded scriptwriter-direktor na si Direk Jose Javier Reyes, na chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pumalit kay Tirso Cruz III.
Kung ilang beses na ring naidirek ni Direk Joey si Aga sa pelikula, “Bakit Labis Kitang Mahal (MMFF 1992), May Minamahal (MMFF 1993), Nag-iisang Bituin (1994), Bayarang Puso (1996), Narinig Mo Na Ba Ang L8est? (2001), Kung Ako Na Lang Sana (2003), at When Love Begins (2008)” . Pero dito sa pelikulang “Uninvited,” mas napiga nang husto ni Direk Dan Villegas si Aga huh!
Ang vice-chairman ng Board of Jurors ay si Secretary Amenah Pangandaman ng Department of Budget and Management (DBM).
Kasama pa rin sa mga hurado sina
Direk Paolo Villaluna, Roy Iglesias, Jesse Ejercito, Lee Briones-Meily, Thomas Orbos, Atty. Cesar Ona Jr., Marinel Cruz, Racquel Wong, at Evylene Advincula.
Ang mga huradong sina Thomas Orbos, Direk Jose Javier Reyes, Jesse Ejercito, Evylene Advincula, at Roy Iglesias ay kabilang sa 25 bumubuo ng MMFF Executive Committee, huh!
Sa totoo lang din naman walang nagdududa sa pagkapanalo ng isang Dennis Trillo, mata pa lang niya at yung body movement ay more than enough ay pang “best actor” na, huh!
Pero yung hindi pagkasama ng pangalang Aga Muhlach sa mga nominado ay para sa amin ay isang malaking katanungan.
Kumpara sa ibang nominado sa best actor ay hindi hamak namang mas worthy si Aga to be nominated, huh!
***
SA best actress category naman sinadya pa rin siguro na si Aga ang isa sa mga presentor para right there and then ay saksi ang aktor na hindi ang bida ng pelikula nilang Uninvited ang nakasulat na winner sa kategoriyang “best actress”, huh!
Adding insult to an injury? Hindi naman siguro, huh!
So, what’s the point?
Well, wala rin namang question ang pagkapanalo ng young superstar na si Judy Ann Santos as best actress.
Tanggap na rin naman ni Ate Vi and when in fact pumalakpak ang Star for all Seasons nang buong ningning na binanggit ang pangalang Judy Ann Santos as best actress, huh!
Ang iba pang nominadong best actress ay sina Aicelle Santos (Isang Himala), Francine Diaz (My Future You), Jane de Leon (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital), Julia Montes (Topakk), at Vilma Santos (Uninvited)
Napanood na namin ang Espantaho, Green Bones Topakk, My Future You, at siyempre ang Uninvited…. At para sa amin karapatdapat at nararapat na mapasama sa “best picture” ang pelikulang “Uninvited” at si Ate Vi pa rin para sa amin ang “best actress”, huh!