Advertisers
BINATIKOS ng netizens ang viral na TikTok video ng ‘Fast Talk’ interview ng News5 kay Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio nitong Huwebes, Disyembre 26, dahil sa nakamamanghang bilis niyang sumagot sa mga tanong sa nasabing interview sa kabila ng hindi pagdalo sa mga hearing tungkol sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) na dalawang taon niyang pinamunuan.
“Buti pa to dito nakakapag fast talk, pero pagdating sa hearing hindi makapagsagot ng tanong,” malupit na komento ng isang netizen.
“Sana fast talk nalang sa hearing para makasagot siya,” tirada naman ng isang netizen sa comment section.
“What if gawing fast talk yung [confidential] funds? Sasagot kaya siya?”, komento ng isa pang netizen.
“Tulin sumagot ‘pag ganyan ah hahaha i-fast talk naman po confidential funds and mga excess funds sa deped hahahah,” birada ng isa pang netizen sa comment section.
Matatandaan na inisnab ni Inday Sara ang mga patawag ng Quad Comm para sana malinawan ang mga nabunyag na katiwalian sa paglustay niya ng confidential funds ng OVP at DepEd na may kabuuang halagang P612.5 million, at para makagawa ng batas ukol sa paggamit ng naturang mga pondo ang Kamara.
Sa naturang mga pagdinig, nabunyag ang mga dokumentong ibinigay ng OVP sa Commission on Audit (CoA) na mga bogus o peke ang mga pangalan ng beneficiaries ng confi-funds at ang overpricing na rental ng mga sattelite office ng OVP.
Dahil sa mga nabunyag na mga katiwalian ng OVP sa mga pagdinig ng Quad Comm, sinampahan ng tatlong impeachments complaints sa Kamara si Inday Sara.
Sinasabing may dalawa pang grupo ang nakatakdang magsampa ng impeachments laban kay VP Sara pagbalik ng Kongreso sa 2025.
Abangan!
***
\
Nakakagulat ang mga lumalabas sa survey para sa pagka-senador sa 2025.
Oo! Walang bago sa mga pumasok sa mga survey kundi ang mga kilala paring personalidad at politiko na mga wala namang nagawa sa natapos nilang mga termino, mga nagbutas lang ng bangko, naging sunud-sunuran sa bugok din na presidente, at naglustay lang ng bilyones na pork barrel.
Kung sila parin nga ang mahahalal sa 2025, ibig sabibin ay kulang parin sa edukasyon sa pagboto o pagpili ng mga tamang senador ang mga Filipino. Mismo!
Ayaw kong banggitin kung sino-sino ang mga nagbabalik at reelectionist na ito, baka sabihin na sinisiraan natin sila. Pero sa totoo lang, mga pare’t mare, hindi talaga sila karapadat-dapat sa Senado. Mga nagbubutas lang sila ng bangko. Sayang lang sa kanila ang pondo ng publiko.
Ang hinahanap nating maging senador ay ang mga katulad noon nina Frank Drilon, late Miriam Santiago, late Nene Pimentel, late Raul Roco, Blas Oble, late Rene Cayetano, who else?
Hindi itong mga senador na artista at boksingero. Ewan!
Ang maging senador ay dapat eksperto sa paggawa ng batas, walang kinikilingan, makatao at maka-Diyos, hindi ang maka-pork barrel!
Dapat matoto na tayo pumili ng tamang kandidato sa pagka-senador, mga pare’t mare. Sayang ang anim na taon kung ang mahahalal ay mga ewan!!!
Happy New Year nalang sa ating lahat. Iwasan ang pagpaputok ng mga ipinagbabawal. Dapat kumpleto parin ang mga piyesa natin sa 2025. God bless, Pilipinas!!!