Advertisers

Advertisers

PH tinuldukan ang 52-taon tagtuyot sa football

0 9

Advertisers

GUMAWA ng kasaysayan angPhilippine national football team matapos tuldukan ang 52-taon tagtuyot laban sa two-time defending champion Thailand,2-1 sa first leg ng Asean Mitsubishi Electric Cup 2024 semifinals sa the Rizal Memorial Football Stadium sa Malate, Manila.

Tabla sa 1-1 sa dragging 90 minutes ng laban,diniliver ni Kike Linares ang winning goal sa stoppage time para gulatin ang War Elephants at pasayahin ang 7,116 na tagapanood.

Ito ang unang tagumpay ng Pilipinas’ laban sa regional powerhouse Thailand simula 1972 Jakarta Cup.



Nagsimula ang Filipinos sa right footing ng gumamit si Sandro Reyes ng left kick sa 21st minute para ibigay sa host squad ang 1-0 lead.

Gayunpaman, rumesponde si Suphanan Bureerat sa 45th minute sa pamamagitan ng corner kick goal para ipantay ang laban sa 1-all.

Sa 82nd minute, muntik lang makaiskor ng goal si Worachit Kanitsribumphen matapos ang left foot strike na napunta sa lawak.

Alam ni Philippine’ goalkeeper Quincy Kammeraad ang kanyang assignment, at pinalitan si Patrick Deyto, na injured matapos ang save sa Thailand’s team captain Peeradol Chamrasamee’s kick sa 94th minute.

“I’m very proud of the first 45 minutes, in the second half we wasted some chances that we should have shot, but we handled it together, we never lost hope. This team are fighters; they fight so much for this country, and they win in the end. I am very happy,” Wika ni head coach Albert Capellas.



“This is just the beginning, we will work to be better and better,” dagdag nya.

Ito ang unang talo ng Thailand matapos walisin ang Group A.

Tinapos ng Pilipinas ang elimination round sa 1-3-0 win-loss draw rekord sa Group B at nagwagi laban sa Indonesia para makopo ang semifinal seat.

Muling magsalungat ang Filipinos at Thais sa Disyembre 30 para sa second leg sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok.

Stalemate o panalo tuloy ang Pilipinas sa Finals.