“Nakikiusap po ako, salubungin natin ang Bagong Taon in one piece” – Mayor Honey
Advertisers
“Please, let us all welcome the New Year in one piece”.
Ito ang panawagan ni Mayor Honey Lacuna, kasabay ng pagdi-discouraged niya sa mga residente ng lungsod sa pagkakaroon ng kanilang sariling fireworks display o pagsisindi ng paputok sa pamamagitan ng paglalabas ng kaugnay nitong direktiba sa nasabing bagay.
Sa halip ay inaanyayahan ni Lacuna ang publiko na manood ng fireworks display na gaganapin sa iconic Manila Clock Tower bilang paraan ng lungsod sa pagsalubong sa New Year o community-sponsored display na nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng kani-kanilang barangay.
Sinabi ni Lacuna na alinsunod sa panawagan na ginawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at base sa ginawa ng Maynila noong Isang taon upang maiwasan ang firecracker-related injuries, ipatutupad ang ilang batas at alituntuntunin sa paputok at pyrotechnics.
Binigyang diin ng lady mayor na ang maputukan ng kamay sa sandaling kasiyahan sa pagpapaputok ay dapat at lalong hindi dapat.
Higit na pinaalalahanan ng alkalde ang mga bata sa paglalaro ng paputok na maari itong mapahamak , kung saan binanggit niya, maging sa pamumulot ng mga paputok na hindi namatay ang sindi o ‘di sumabog.
Umapela si Lacuna sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak at tulungan ang pamahalaan sa kampanya kontra sa paggamit ng paputok lalo na ang mga highly-prohibited dahil nagtataglay ito highly-explosive materials na maaaring magdulot ng pahamak sa kamay, braso at buhay.
Ayon sa alkalde ay mayroon pang ligtas ng paraan ng pag-iingay tulad ng paggamit ng torotot, kaldero, at drum.
Sa pamamagitan ng Executive Order na ipinalabas bago mag-Pasko, ” fireworks will only be allowed in permitted staging areas which should have accompanying special permits that have been applied for three days prior to the event and which have been issued by the Bureau of Permits.”
Sinasaad pa sa EO ng alkalde na: “The city government listed down the firecrackers and pyrotechnic devices that will be allowed for use only in community fireworks diplay areas and the information had been disseminated to the barangays and through the city’s social media accounts. for use.”
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit, pag-manufacture, pagbebenta at distribusyon sa Maynila ng walang kaukulang labels; mga nagtataglay ng sulfur or phosporus na may halong chlorates; mga oversized na may maikling mitsa at sumasabog sa loob ng tatlong segundo na maaaring ikaputol ng braso, gaya ng pagdedetrmina ng Philippine National Police.
Ang mga applicants para sa permits ay obligado na sumunod sa safety guidelines bago at matapos ang fireworks display, kabilang na ang presensya ng standby firetrucks, limang lookouts o security guards na nasa sa strategic areas na magsisilbing bilang fire suppression team kapag ‘ di inaasahan na magkaroon ng sunog. Inaasahan din na mayroong team ng first-aid medical personnel na naka-standby at tiyakin na mayroong tamang pagtatapon ng disposal debris at waste fragments pagkatapos ng event.
Binigyang diin din ng lady mayor na ang mga binigyan ng permits ay binabalaan din laban sa mga exploding fireworks na hindi specified sa kanilang application.
Ayon pa kay Lacuna, may naghihintay na kaparusahan at multa sa mga lalabag ng mga prohibisyon na nakasaad sa kanyang executive order dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng firecracker-related injuries na naganap bago pa ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ang EO na ipinalabas ay upang maprotektahan din ang lungsod, tahanan, istruktura laban sa mga di inaasahang sunog at para din sa kapakanan ng mga residente. Ayon pa kay Lacuna. (ANDI GARCIA)