Advertisers
KUNG ang eleksyon ay gaganapin sa unang linggo ng Bagong Taon, nangunguna na sa listahan sa mga tiyak na matatalo ay sina Michael Angelo Rivera, Joy Salvame, Lian Mayor Josep Peji at Tanauan City Mayor Sonny Collantes.
Ang tubong Nueva Ecija na si Michael Angelo Rivera na kandidato bilang Batangas governor ay talunang kandidato bilang partylist representative noong nakaraang 2022 election.
Isang dayuhan sa Batangas, si Rivera na naging alkalde ng bayan ng Padre Garcia, Batangas ay balitang pabor sa operasyon ng Philippine OffShore Gaming Operator (POGO) at malamang na hindi rin tutol sa pagkakaroon ng sangkaterbang ilegal na pasugalan sa lalawigan?
Katunayan, hanggang sa matapos ang termino nito bilang mayor ng bayan ng Padre Garcia ay hindi nito nasawata, naiparesto o kaya ay napakasuhan ang mga illegal gambling operator na kilala din drug pusher sa naturang bayan. Ang mga gambling/drug pusher na sina alyas Tisoy at Nonit, na kapwa nagpapakilalang bata-bata at alyado ni Rivera sa pulitika ang kasalukyan pa ring operator ng STL bookies at sakla sa Padre Garcia.
Maging ang ginang ni Rivera na si Padre Garcia incumbent Mayor Celsa Braga-Rivera pati na si Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr. at Padre Garcia Police Chief Major Raymon Dayagan ay hindi rin nagawang sugpuin ang operasyon ng ilegal na pasugal at kalakalan ng shabu nina alyas Tisoy at Nonit.
“Kung hindi po nakayang patinuin ni Rivera ang tulad ng Padre Garcia na binubuo ng 18 barangay lamang ay nakatitiyak na lalong di nito makakayang displinahin ang may 1,078 barangay ng Batangas”, ayon sa mga miyembro ng anti crime and vice crusaders na Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB).
Dahil alam naman ni Ibaan Mayor Edralyn Joy Ang Salvame, na wala na siyang kapana-panalo kung tatakbong re-eleksyunistang alkalde sa Ibaan ay nagdesisyon na lamang ito na tumakbo bilang vice-mayor sa paparating na halalan.
Ang mestisong intsik na mayora na ala Bamban Mayor Alice Gou ang pagsulpot sa bayan ng Batangas, ay hayag na tinustusan ang kampanya noong nakaraang 2022 election ng mga komunistang Tsino, kaya nanalo sa sa pagka mayor.
Pagkat may mga naunang pagtataya o survey na “pupulutin na lamang sa kangkungan” si Salvame, sa halip na pumalaot muli bilang re-electionist sa paparating na election, ay ang dyowa na lamang nito na wala pa namang karanasan sa pulitika o hindi pa nakapaglingkod man lang bilang public official ang siyang “minanok” nito laban kay businessman Artemio Chua?
Lumilitaw sa mga independent survey na wala namang nagawa si Salvame para sa ikauunlad ng bayan ng Ibaan. Sa halip na mabawasan tulad ng kanyang pangako ang operasyon ng ilegal na pasugal at droga, sa halip ay ultimong sa sentro ng Poblacion ay napalatagan ng isang Madam Norma at Aling Yoly ng pergalan (peryahan na pulos sugalan) na front ng shabuhan.
Si Lian Mayor Joseph Peji ay nasira ang pangalan dahil sa paniniwala ng marami sa mga kababayan nito na pinoprotektahan nito ang operasyon ng mala casino na sugalan sa tabi lamang ng Lian Public Market.
Bagamat nasa gilid lamang ng palengke at sentro ng bayan ng Lian ay may tatlong taon nang nag-oopperate ang bilyaran na umaabot sa miyones ang pustahan ng mga naglalaro, makalakasan din ang tayaan sa color games, daang libo ang pustahan sa madjungan at sakla na halatang protektado din ng ilang police official sa naturang bayan at maging ng CIDG at PNP Provincial Office.
Laganap din ang operasyon ng Small Town Lottery bookies o jueteng sa lahat na barangay ng bayan ni Mayor Peji na hindi rin inaaksyunan ni Lian Police Chief Major Ferdinand Vergara at maging ni PD Malinao Jr.
Dahil naman sa “mabaho” na ang pangalan ng mga Fronda pagdating sa larangan ng pulitika sa Balayan, kaya’t wala ring binatbat ang bagitong pambato ng mga itong si Leslie Fronda?
“Tama na, sobra na”, ang sigaw naman ng grupo ng MKKB kung suporta ang hihilingin para kay Tanauan City Mayor Sonny Collantes. Tila apoy ang balitang kumakalat na sina Mayor Collantes at ang police chief nitong si LtCol. Virgilio M. Jopia ay may tinatanggap mula sa may 40 STL bookies operator sa naturang siyudad. Tumataginting na Php 1.5M ang lingguhang “detalye” para sa pangalan ni Mayor Collantes mula sa grupo ng isang Ocampo na operator din ng lantarang pasakla sa naturang lungsod? May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 0966406614