Advertisers

Advertisers

‘DESPÚES DE CIEN AÑOS’

0 22

Advertisers

DISYEMBRE 30. Ginugunita ngayon ang kamatayan ni Gat José Rizál. Bagama’t 163 taon ang lumipas mula nang kitilin ang buhay niya ng punglo ng Oviedo Mauser, sariwa sa kamalayan natin kung sino siya, at ang atang niya para sa Bayan. Muli ko binasa ang kanyang Filipinas Después De Cien Años at pinagnilayan ko ito. Marahil kung nabubuhay pa si Pepe, marahil magugulat siya sa kinahinatnan ng kanyang Patria Adorada at magugulantang siya.

Sa libro ni ‘ni sa kanyang malikot na diwa, hindi niya aasahan ang kalagayan ng mahal niyang Inang Bayan. Mula sa propesiya ng librong Reisen in Den Philippinen ni Feodor Jagor, isang travelogue na nagsilbing mitsa upang isulat niya ang Despues De Cien Años. Maliwanag sa akin ang layunin ni Rizál na isinulat niya. Ipinakikita niya sa mga susunod na henerasyon ang kahihinatnan natin, at kakayahan natin bilang isang bansa.

Si Rizál ay hindi rebolusyonaryo na nagnais ng kasarinlan. Siya ay pasipista na ang pananaw ay itayo ang sarili para sa sariling kasarinlan na malaya sa impluwensya ng iba. Sa kanya, ang tunay na kalayaan ay ang iangat ang sarili. Na ang kolonya ay hindi na maaaring manatiling hiwalay sa mundo.



At isang pagsulong patungo sa malawakan at liberal na reporma sa pamamagitan ng bagong puhunan ng pag-iisip at pagpasok ng bagong pagkakapuhunanan, hindi na tayo maaaring maging bukod. Sa ganitong paraan lang makakamit ang karunungan at kasaganahan.

Subalit, habang tinatahak ang landas na ito, manalig tayo at wag balewalain ang mga balakid. Sa maikli, si Ka Pepe, bagama’t adhikain ang manatiling isang Espanyol, ay tumatalima sa pagpalaya ng puso at isipan tungo sa kalayaan ng diwa. Sa isang malayang diwa at pananaw makakamit natin ang kasarinlan.

At ang kasarinlan, ay makakamit lang sa pagpalaya natin sa tanikala ng maling isip at kamangmangan. Ginugunita ng buong Bayan ang araw ng iyong pagpanaw, Ka Pepe. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

ITO ang isang nagtataguyod ng maling pag-iisip. Bagama’t Kwaresma, hindi matiis ng abang kolumnistang ito ang bagong gimik ng isang itatago natin sa pangalang Cynthia Villar. Malamang napuna niyo na malimit nakapunteriya ang teklada ng makinilya sa maliit na babaeng ito. “Tanawin niyong utang na loob ito”. Stupid question lang po Aleng Tiyanak: hindi po ba maliwanag na ipinapangako niyo ang lupa kapalit ng boto?



Hindi po ba electioneering ito? Hindi mo kailangan na pumasa sa Bar upang malaman na namimili ka ng boto. Maliwanag sa talumpati mo noong Disyembre 26. Pasensyahan tayo ngunit napakatigas ng pagmumukha mo. Kayang bumuhat pati anak mong si Camille.

Himayin natin: inalok mo ang lupa na ayon sa iyo ay pag-aari mo at mga anak mo si Baby at Baby na parehong namayapa na. At wala nang ibang pwede magdesisyon dito. Isa pang stupid question: hindi ba may mga anak sina Baby at Nene? Hindi ba sila ang mga tagapagmana nila?

Sinabi mo “hindi si April Aguilar mag-decide nito, kaming apat na magkakapatid ang mag-decide nito” hindi ba si April ang isa sa naulila dahil anak siya ni Nene Aguilar? Sa maikli inaalisan mo ng karapatan ang naiwan ni Nene, dahil si Nene ang tagasuporta sa taong sinurutsurutan mo sa loob ng simbahan?

Nakakahiya ka nuknukan ng kapal ang mukha mo. Mabibigo ka nanaman sa latest na pagkalat mo Cynthia Villar dahil ang mga matitinong taga-Las Piñas alam na ang estilo mo. Ang ginawa mo ay malinaw na pamimili ng boto, nararapat na bigyan ng pansin ng COMELEC ito.

Kabulaanan at panloloko ang ginagaw niya. Bilang tuldok, ang kalaban nito na si Mark Santos ang katigan. Sana bumawi ang COMELEC nang hindi sila mabansagan na walang gulugod sa harap ng mga nasa poder kagaya ni Alyas Tiyanak na itatago ko na lamang sa pangalang Cynthia Villar. Harinawa matigil na ang paghahari nila.

***

MAGKAKAROON po ang inyong abang lingkod na karagdagang kolum sa pahayagan na ito. Abangan ang coming soon. Sa Miyerkules na po.

***

mackoyv@gmail.com