Advertisers
Ni Beth Gelena
NAG-open up na si Coco Martin sa relasyon nila ni Julia Montes.
Sa unang pagkakataon, idinetalye ni Coco, 43, kung gaano kalalim ang relasyon nila ni Julia, 29.
Aniya, “Hindi ako maligaya pag hindi kami magkasama.”
“Masaya kasi yung mga pangarap namin sa buhay dahil dahan-dahan, paunti-unti, nakakamit namin na magkasama kami at nagtutulungan. Iba yung pakiramdam na alam mo na meron kang partner na alam mong sinusuportahan, inaalagaan ka.”
Wika pa ng Batang Quiapo lead actor-direktor, “Almost every night at sa umaga pagkagising ko, pag may naiisip ako na idea, sasabihin ko sa kanya, magkakape kami, magkukuwento ako sa kanya.
“Minsan, pag gabi, talagang dadaldalin ko yan… Pag may pictorial, ipapakita ko kaagad sa kanya, ipagyayabang ko…
“Talagang all details kinukuwento ko sa kanya.
“Masarap na sini-share mo sa partner mo kung anong nangyayari sa buhay mo.”
Hindi man daw sila laging nagkakasama, gusto raw niya na lahat ay kinukuwento sa aktres.
Ang paglalahad ni Coco ay base sa joint interview ng celebrity couple na na-capture ng kanilang fans sa TikTok account na @thecocojularchive, kamakailan.
Ayon pa sa actor patungkol sa aktres: “Sa buhay, kailangan ang hinahanap mo, partner sa lahat ng ginagawa.
“At kung meron akong pupuntahan, parang feeling ko hindi ako maligaya pag hindi kami magkasama.
“Para bang may nami-miss aka gawin na sana kasama ko si Julia. Kung nandito ako [sa ibang lugar], ‘Sana magkasama kami, sana nakikita niya rin to.’
“Which is hindi madali. Matagal na proseso.”
Importante raw na nagkakaroon sila ng oras ni Julia para sa isa’t isa kahit na dire-diretso pa rin ang taping niya sa kanyang long-running series sa ABS-CBN, ang FPJ’s Batang Quiapo.
Ngayon daw ay dahan-dahan na nilang nagagawa ng aktres ang pag-a-out of the country o out of town.
***
GARY V. MAY NAKAKAANTIG NA MENSAHE SA ANAK NA SI PAOLO
BAGO magtapos ang 2nd night concert ni Gary Valenciano last December 22 na ginanap sa Araneta Coliseum ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe sa anak na si Paolo Valenciano, ang direktor ng kanyang concert, Pure Energy: One More Time.
Sa IG Stories ng icon singer, he expressed appreciation for Paolo who stood by him “when all seemed hopeless.”
Matatandaang ang first night concert ng singer ay nahinto agad dahil sa kanyang illness kung saan isinugod na siya sa hospital.
But nang makalabas na siya ay inanunsiyo niyang tuloy ang 2nd night concert.
Ibinahagi ni Gary V. ang clip at photo showing them walking with their arms on each other’s shoulders.
Aniya, “I love you @paolovalenciano. We did it!!!”
“No words to say for this man who stood by me when all seemed hopeless. The director of PURE ENERGY…One More Time… my son @paolovalenciano.” “I love you so so so much son,” wika nito sa panganay na anak na tinawag niyang “the best in the country.”
Dagdag pa ni Mr. Pure Energy, “To say that I am proud of you is too much of an understatement, son. I love you so dearly. You are such an example to your brother and your sister. Your children, have a good mom and dad, take good care of them. I love you so much.”
***
IMELDA PAPIN MASAYA SA CAREER
ISA sa tinapatan ng PMPC Carolers ay ang naitalagang bagong director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Imelda Papin.
Isa siyang great singer ng bansa at may hawak ng trono noon bilang Jukebox Queen.
Aside sa pagiging singer ay pinasok din niya ang pulitika.
Months ago ay tinalaga siya ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. bilang direktor ng PCSO.
After naming kantahan ng Christmas carol ang singer ay nakunan namin siya ng maiksing panayam.
Sey ng Jukebox Queen, masaya siya na muling nakita ang officers at members ng PMPC.
“Hindi ko nakakalimutan ang PMPC na isa sa naging dahilan kung bakit ako naging matagumpay sa aking career.
Kayo ang nagbigay sa akin ng parangal kung saan tatlong beses ninyo akong binigyan ng award.”
Ang napanalunang tropeo ni Imelda ay nakadisplay sa kanilang living room kasama ang mga tropeong napanalunan mula sa ibang organisasyon ng industriya.
Bilang bagong direktora ng isang ahensiya ng bansa, hindi raw niya inaasahan na mapipili siyang iupo ni BBM.
Natutuwa siya dahil nakakapaghatid sila ng tulong sa mga tao.