Advertisers

Advertisers

ANYARE MAHAL NA PRESIDENTE?

0 9

Advertisers

TRILYONES Ang nasa cuarta- moneda ng Pilipinas.

Kung tutuusin ay hindi maralita ang Pilipino.

Pero bakit maraming dukha at naglulupang mamamayan sa bayan ni Juan?



Ang mga batang gustong mag-aral, kailangang maglakad ng dalawang oras papunta-pabalik dahil sa sobrang layo ng paaralan lalo sa mga mahirap na lalawigan .

Tatawid ang mga batang nais mag-aral sa mabuway na tulay na yaring kawayan o binukbok na kahoy at ang matindi at lulusong na lang sa tubig-ilog sunong ang kuwadernong pang-karunungan para makarating sa ibayong kinaroroonan ng paaralang ginugupo na rin ng pahahon at kawalan.

Bakit nangyayari ito lalo sa panahon ngayon?Trilyones naman ang pera ng bayan!

Me imprastraktura pa bang itinatayo ngayon?Bilyones ang ginagasta bawat araw para sa proyekto daw ng public works. Inanod ba ng baha tungong bulsa ang gabundok na salaping gugugulin dapat partikular sa proyektong flood control?

Bakit may mga kalsadang sobrang nipis ng aspalto o semento at one lane lang ang deklaradong tapos nang proyekto? Saan napunta ang badyet ng natirang kalahati?



May mga feeder roads -farm to market na lubak, maputik at halos di madaanan lalo’t tag-ulan.Trilyones naman ang pondo ng bayan na ngayon ay kontrolado lang ng iilang tao na kanilang dinekwat parea sana ito sa higit isandaan na milyones nang sambayanang Pilipino.

Dito sa ‘Pinas,pag may karamdanan si Juan,kung maaari ay ayaw nitong maospital dahil ang pa-admit doon ay dagdag pasakit lang sa sakit na sinasapit sa mga pagamutan ng pamàhalaan.Libre nga ang charity ward pero lalong ga-grabe ang lagay ng agaw-buhay sa mala-sardinas na espasyong bentilador lng ang hangin sa napaka-dugyot na kuwarto ng nasa 2 dosenang pasyenteng nakaratay dito kaya mas marami ang natutuluyan dahil na rin sa pabaya at masamang trato ng mga kawani nito.

Lagi namang may kaltas ang sahod ni Juan para sa segurong pangkalusugan nito pero wala na palang pondong ilalaan dito sa taong ‘bente-sinko.

Bakit may sundalong butas pa rin ang pares nilang combat shoes.

Kulang na supply sa tagapagtanggol ng estado na nasa buwis- buhay na lugar habang ang kanilang mga panginoong heneral ay prente lang sa kanilang opisinang balwarte.

Mga sandatang palyado,kampo na dinaig pa ng cuadra ng rebelde at terorista na kapwa Pilipino rin.

Naudlot ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na dapat nang level-up,trilyones naman ang pondo ng bayan.

Marami pang prayoridad na sangay ng pamahalaan ang nabawasan ng pondo na grabe ang impact nito sa mamamayang Pilipino.

Hindi naman mangmang ang sambayanan.

Ang lantarang panggagàhasa sa pondo ng bayan ay mistulang bulkan nang sasabog sa dibdib ni Juan na magiging daan ng pag-aklas at iprotesta ang lantarang pangungurap ng mga kampon ng demonyong nasa itim na kapangyarihang nakasuot ng imakuladang puting barong sa mataas at mababang kapulungan ng KONGRESO.

Anong nangyare mahal na Presidente?Ang tunay mong kalaban ay ang mga peste sa iyong kapaligiran.Aksiyon na at lipulin sila bago maging buto’t -balat ang lahat habang bundat sa gawaing dekwat ang mga kurap …NOW NA!

LOWCUT: Happy New Year Kaisport na Vhergel Divina ng Mc Donalds Libertad.Prospero año felicidad Senor Crisanto Cuevas ng GSF at Tanay Raven Sikaran..PUGAY!