Advertisers

Advertisers

1 patay, 50 pamilya naabo ang bahay sa sunog

0 12

Advertisers

Nasawi ang isang katao at tinatayang 50 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 118, 4th Avenue, Caloocan, nitong Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Caloocan, nagsimula ang sunog 2:38 ng madaling-araw na umabot sa second alarm sa ganap 3:35 ng madaling-araw.

Naideklarang fire under control ito 4:18 ng madaling-araw at tuluyang naapula 6:35 ng madaling-araw.



Ayon sa mga awtoridad, patuloy pang iniimbestigahan ng SOCO ang mga labi ng nasawing biktima.

Samantala, tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng apoy. (Beth Samson)