Advertisers
PATAY ang driver ng isang Isuzu Cargo Forwarding Truck na may plakang EVS414 at malubhang nasugatan ang pahinante nito kabilang ang driver at konduktor at lima pang mga pasahero ng pampasaherong bus na Mitsubishi Fuso na pagmamay-ari Smart Bus Company dahil sa nangyaring road accident collision sa tapat ng isang gasoline station sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. San Antonio sa Lungsod ng San Pablo, Laguna nitong Biyernes ng madaling araw, December 27, 2024.
Kinilala ang nasawing driver ng cargo forwarding truck na si Marlon Artiaga, nasa hustong gulang; at pahinante na si Jomar Balla, 44-anyos, parehong residente sa bayan ng Pio Duran sa Albay.
Nagtamo din ng matinding pinsala at sugat sa katawan ang driver ng Star Bus na si Christian Bon Borbo, 42-anyos; at konduktor na si Jayson B. Manuel, 34; kasama ang limang pasahero na sina Paul Marie Butial, 21; Hanah Camalig, 13; Jose Camalia Jr., 47; Carolina Ombiang, 50; at si Marie Ellen Mamitang, 66-anyos.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng San Pablo City PNP kasalukuyang dumadaan sa nasabing lugar ng pinangyarihan ng aksidente ang Cargo Truck na nasa south bound lane patungo ng Tiaong, Quezon habang nasa north bound lane naman ang bus papuntang San Pablo City, Laguna ng mabulaga at iniwasan ng bus ang hukay sa ginagawang kalsada ng Department of Public Woks and Highways (DPWH) na kulang umano sa warning device kaya’t napadpad ito sa linya ng trak at nangyari ang malagim na aksidente kapwa nagtamo ng matinding pinsala ang dalawang sasakyan.
Mabilis naman ang naging pagresponde ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Fire Station at ng iba pang ahensya sa nangyaring aksidente at dinala sa pagamutan ng San Pablo City ang mga nasugatan.(KOI LAURA)