Advertisers
HUMAHATAW ngayon si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla sa top 2 latest SWS Senatorial Survey hinggil sa inilabas na bagong resulta ng Social Weather Stations o SWS senatorial survey na isinagawa noong December 12 hanggang December 18,2024.
Sa naturang survey tinanong ang 2,097 na mga registered voters kung sino ang kanilang pipiliin o iboboto na kandidato para sa 12 senators sa gaganapin na halalan kung saan nakakuha si Revilla ng 33 percent votes.
Nauna rito, lumabas sa resulta na nangunguna na si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na nakakuha ng 45 percent subalit kumpara sa nakaraang survey na 54 percent bumaba ang rating nito.
Nasungkit naman si Senator Revilla ang number 2 sa survey na dating 24 percent noong buwan ng September subalit tumaas siya ng 33 porsyento ngayong Disyembre habang malaki rin ang itinaas ni Senador Christopher Bong Go na number 3 sa survey mula sa dating 18 percent nangayon ay 32 percent.
Top 4 naman sa ranking si Senadora Pia Cayetano na nakakuha ng 32 percent na dating 31 percent habang Top 5 naman si dating Senate President Vicente Tito Sotto III na dating nasa rank two na nakakuha ng 31 percent na bumaba na dating 34 percent.
Ranked number 6 naman si Ben Tulfo na nakakuha ng 30 percent samantalang nasa number 7 naman si dating Senador Pampilo Lacson na tumaas sa 27 percent na dating 24 percent.
Sina dating Senador Manny Pacquiao at TV personality Willie Revillame ay nasa number 8 at 9 habang nakalusot naman sa ranked 10 si Makati City Mayor Abby Binay na sinundan ni Senador Lito Lapid sa top 11.
Nasa number 12 hanggang top 14 naman sina Las Pinas Representative Camille Villar, Senadora Imee Marcos at Senador Ronald Bato dela Rosa na kapwa nakakuha ng 21 percent .
Ang naturang survey ay kinomisyon mismo ng SWS na ang resulta ay may sampling error margins ±2.1% sa national percentages, ±5.3% para sa Metro Manila, ±3.0% for Balance Luzon, at ±5.2% sa Visayas at Mindanao. (JOJO SADIWA)