Advertisers

Advertisers

SEAMAN BUMIGAY SA MISIS NG KABARO NAGKA-HIV!

0 69

Advertisers

NAHAWA ng human immunodeficiency virus (HIV) ang 22-anyos na marino nang pumatol sa asawa ng kanyang kabaro.

Sa Facebook page na Marino Ph nitong Dec. 26, ibinahagi ni alyas “Kevin”, taga-Pasig, kung paano siya nag-positive sa HIV, na dulot daw ng malaking kasalanan na nagawa niya.

“It was July nung umuwi ako… alam naman natin basta ‘pag may uuwi nagpapa-dala ang mga kabaro natin sa atin at ibigay sa family nila dito sa ‘Pinas… marami nagpadala sa akin ng pasalubong at isa na dito si 3rdmate,” aniya.



“July 22 dumating kami sa Manila, the day after nag-report ako sa office for debriefing at natapos ko lahat at sa araw na ‘yun ay napa-dala ko sa JRS at LBC lahat ng nagpadala except kay 3rdmate, sa misis niya,” dagdag niya.

“Nagulat ako na my friend request ako, ‘yun pala misis ni 3rd… in-accept ko at doon kami nag-start mag-chat paano i-turn over ang padala… nagulat ako admin na kahit nag-usap na kami ni misis niya pero nagpapadala siya ng emoji (smiley, kiss, heart at marami pa) parang my pinapahiwatig siya which is mali,” patuloy ni “Kevin”.

“The day after pinagkasunduan namin na magkita sa Vito Cruz LRT kasi malapit siya… sinabihan ko na puwede grab o lalamove nalang kaso ayaw niya, gusto niya meet up… siya lang daw mag-isa with matching emoji pa… bilang ‘yun ang request nag-oo ako.

“Hamakin mo admin ng binigay ko na sa kanya ang padala, ang iksi ng suot niya ‘yung medyo kita na… tapos parang sine-seduced niya ako. Sumama ako sa condo nila, grabe ang kalat at puro cups ng starbucks, puro beer, parang naawa ako kay 3rd sa napili niyang asawa hanggang binigyan niya ako ng beer at hanggang uminit na din ako (sorry). Akala ‘yun lang ‘yun at hanggang inulit-ulit namin.

“Fast forward, October this year, nilagnat ako admin. Grabe ang lagnat ko… may mga rashes ako, singaw, ubo at sipon. The doctor requested HIV test at ‘yun na diagnosed ako as positive,” kuwento pa ni “Kevin”.



Pinagsisihan niya raw ang nagawa niya kahit huli na. Ngayon ay nagpapagamot daw siya sa nakuha niyang HIV.

Gusto niya raw sana sabihin sa kasamahan niya ang tungkol sa nangyari sa kanila ng misis nito para hindi na raw ito mahawa lalo’t uuwi raw ito ngayong Disyembre.

Sa last part ng kanyang post, nagbigay ng mensahe si “Kevin” para kay “3rd”.

“Sana mabasa mo ‘to at maiwasan pa… takot ako sabihin sayo… Pasensya kasi may nagawa akong kasala-nan… nag-PM ako sau ibang account.”