Advertisers

Advertisers

SADISTIC LEADER SA ISANG HELL PRISON CAMP!

0 2,596

Advertisers

Ang PENAL COLONY AND FARM na nagsisilbing tahanan ng mga preso o PEOPLES DEPRIVED LIBERTY (PDL) ay naglalayon para sa rehabilitasyon ng mga ito sa pamamagitan ng edukasyon, relihiyon, livelihood at health programs; subalit may mga PDL ang lumalasap ng mala-impyernong trato mula sa pangasiwaan ng isang PENAL COLONY sa ating bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroon tayong 7 NATIONAL PENITENTIARY INSTITUTIONS na ang mga ito ay (1) National Bilibid Prison sa Muntinlupa City; (2) Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City; (3)Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan; (4) Davao Prison and Penal Farm sa Davao; (5) San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga; (6) Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro Occidental; at (7) Leyte Regional Farm sa Leyte.., na isa sa mga tagapangasiwa ng mga ito ay isang SADISTIC LEADER.

Ang PRISON FARM ay isang malawak na CORRECTIONAL FACILITY.., na ang mga PDL ay sasabak sa MANUAL LABOR tulad sa agriculture o pagbubukid, logging, quarrying at pagmimina na matinding pagod sa pagtatrabaho ang dinadanas ng mga ito ay dadanas pa ng SADISTIC TREATMENT mula sa isang TINYENTE EDU kapag nagkakamali ng kilos ang mga PDL.



Sa impormasyong nakalap ng ARYA.., ang mga PDL na maipatatapon sa PRISON FARM na pinangangasiwaan nitong TINYENTE EDU ay sumasailalim umano sa mala- WELCOME TO HELL INITIATIONS mula sa mga kamao at paa o sa madaling ikaiintindi ay walang habas na panununtok at pananadyak ang ipinararanas sa mga bagong saltang PDL.

Tulad na lamang umano sa sinapit ng isang bagong saltang PDL ngayong bago mag-pasko ay walang habas na pinagbubugbog ito ng TINYENTE EDU.., resulta ay isang linggo itong hindi makakilos o makatayo man lamang dahil sa tindi ng pananakit ng kaniyang pangangatawan.

Mayorya umano sa mga PDL ay dumanas ng pagmamalupit na mismong itong TINYENTE EDU ang nambubugbog.., yun nga lang ay wala umanong maglakas-loob na magsumbong sa mga kinauukulan sa pangambang baka mas lalo pang mala-impyerno ang kanilang danasin.

Naku.., paano na ang programang rehabilitasyon ng mga PDL sa pamamagitan ng edukasyon, relihiyon, livelihood at health programs kung mananatili ang sistema ng isang SADISTIC LEADER sa isang PRISON CAMP.., e HELL PRISON CAMP ang magiging kategorya niyan na posibleng darating ang panahon na magkaroon ng rebolusyon o riot sa pagitan ng mga PDL at mga JAIL OFFICER.

Ang mga PRISON CAMP ay pinamamahalaan ng BUREAU OF CORRECTIONS (BUCOR) sa pamumuno ni DIRECTOR GENERAL GREGORIO PIO P. CATAPANG JR.., na ito ay nagpairal ng mga makataong pagtrato sa mga PDL na lihis sa nakamihasnan nitong si TINYENTE EDU sa pagiging sadista dahil ang mapagbuntunan umano nito ay halos hindi na makagulapay sa pananakit ng mga kalamnan.



Kaya naman ay kinakailangang madisiplina ni DIRECTOR GENERAL CATAPANG itong si TINYENTE EDU upang maging makatao sa pagturing sa lahat ng mga PDL sa ating bansa ang lahat ng mga PENAL OFFICER!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.