Panibagong Award Alay Na Naman Sa Manileños… Super Mahra Ginawaran Ng HERO AWARD (Philanthropist & Women Empowerment) Ng Gawad Pilipino Awards 2024
Advertisers
KABILANG ang kilalang Philanthropist at Public servant na si Super Mahra Tamondong at malalaking personalidad at politicians sa recipients ng HERO AWARD 2024 ng GAWAD PILIPINO AWARDS na ginanap last Dec.22 sa Aberdeen Court Great Eastern Hotel in QC.
Si Dr. Danilo B. Mangahas ang Founding Chairman at si Jhen Boles ang Ambassador nito. Iginawad ng nasabing prestigious award giving body ang HERO AWARD (Philanthropist & Women Empowerment) kay Super Mahra dahil sa pagiging Good Samaritan nito mula noon hanggang ngayon sa mga mamamayan ng Maynila.
“Ang mabigyan ng ganitong award ay isang malaking karangalan po lalo’t ako’y isang Manilenyo,” panimula ni Super Mahra sa kanyang thank you speech na agaw pansin sa lahat ang suot na red outfit.
Patuloy pa nito, “Ang aking adbokasiya ay makatulong para sa buong Maynila. So ito pong aking award ay iniaalay ko po sa ating mga kababayan sa Maynila na wala pong imposible basta gumawa lang po tayo ng kabutihan.
“Siyempre yung paggawa po ng kabutihan, kaakibat na rin po diyan ay yung pagpapaligaya natin sa ating mga magulang. Ang pagsunod sa Panginoong Diyos, na ang kanyang hangarin para sa atin, na mga anak po niya dito sa mundo ay gumawa po ng kabutihan at bigyan ng inspirasyon yung ating mga kababayan.
“Alam po ninyo ang nararamdaman ko ay hindi para sa aking sarili. Kung hindi nararamdaman ko na talaga po yung pag-angat at tunay na pag-asa para sa Maynila.
Masaya po akong tanggapin ang isang award, na kinilala po ang kabutihang loob natin at kagandahan sa ating mga ginagawa. Sapagka’t iba pala kapag alam mo na merong nakaka-appreciate sa iyo, meron pong tumitingin na meron pa ring kumikilala para sa kabutihan,” saad pa ni Super Mahra na talaga namang nakapa-proud ang tinanggap na recognition. At pinasasalamatan pala nito ang lahat ng bumubuo ng Gawad Pilipino Awards sa pagkilala sa kanyang mga nagagawang kabutihan sa pamamagitan ng walang patid o sawang pagtulong sa mga Manilenyos.
Yes, kahit may sakit si Super Mahra na inadvisan ng kanyang personal doctor na magpahinga muna, hindi siya nagpapigil at kailangan niyang tumulong. Kaya kasama ng kanyang Team at line-ups sa pagtakbong Mayor ng Maynila ay namigay pa rin siya ng Pamasko at nagpakain sa maraming residente ng Maynila. Na ikinatuwa siyempre at ipinagpasalamat ng labis ng mga supporters niya. Yes, misyon at kaligayahan sa puso ni Super Mahra Tamondong ang tumulong sa Maynila kaya walang sinuman ang pwedeng pumigil sa kanya. Hindi siya katulad ng mga co-mayoralty candidates niya sa Maynila na nagpapagwapo, ganda, at pabango lang tuwing malapit na ang election.
Si Super Mahra bago pa mag-pandemic ay parating nasa kalsada na sa iba’t ibang Distrito ng Maynila. At hangang ngayon ay patuloy o non-stop ang kanyang Oureach Program. Yes tumpak, bibihira ang katulad ni SUPER MAHRA TAMONDONG!