P10.03 B, budget sa social services sa 2025 – Mayor Honey

Advertisers
MAS pinalaki pa ang budget ang budget sa social services ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa darating na ‘2025. Ito ay matapos na inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes na ang kanyang administrasyon ay naglaan ng P10.03 B pondo para sa mga social services ng kabisera ng bansa susunod na taon.
Nabatid na ang naturang halaga ay 40% ng P25-bilyong budget ng City of Manila para sa taong 2025.
“We have a larger budget in 2025, an increase to P25 billion from P16 billion because we expect much more revenues next year, thanks to our vibrant economy. We are, therefore, able to set aside P10 billion for social services and P5.5 billion for general public services. We are able to do all these without incurring any new massive loans,” ayon kay Lacuna.
“Our capital outlay next year is only about P183 million because we are still paying for the P17.8 billion in infra loans incurred by the former mayor. Next year our debt payments total nearly P1.2 billion. That is the measure of fiscal irresponsibility the former mayor had and still has,” dagdag pa niya.
“But we have been continuing and completing those infra projects because those are in the contracts with the banks and a moral obligation to all residents of Manila. In fact, we allotted P50 million for the completion of the President Corazon Aquino General Hospital, P283.63 million for Phase 1 of the construction of the Pritil Market, and P573.3 million for the completion of the 10-storey Kalinga Center,” pahayag ng unang lady mayor ng Maynila.
Tiniyak pa ng alkalde na tapat at totoo sila sa mga residente, entrepreneur, at investors sa Lungsod ng Maynila.
Binigyang-diin pa niya na karapatan ng lahat na malaman kung saan napupunta ang mga buwis, service charges, at iba pang bayarin sa city hall.
Sinabi pa nito na: “Yung perang inutang sa mga bangko ng nakaraang administrasyon, sa mga ‘papogi’ buildings lang po iyon ginastos at hindi sa COVID response.”
Nabatid na ang pinakamalaking bahagi ng P10 bilyong social services budget ay ang welfare aid para sa mga senior citizens accounts na nasa P1.78 bilyon habang P1.247 bilyon naman ang inilaan sa calamity fund at P1.069 bilyon para sa development fund.
“We also budgeted P360 million for indigent persons with disabilities and P210 million for the PWD social amelioration program. We also allocated P369 million for cash aid to calamity victims, P590.75 million for next Christmas’ noche buena boxes, P162 million for solo parents, P82.5 million for Food for Work, and P24.5 million for aid to relocatees,” ayon pa kay Lacuna .
“For teachers’ incentives, we budgeted P297 million, SPES-SIP P29 million, and pre-school P118.79 million. That’s on top of the P459.35 million for the Universidad De Manila and P344.155 for the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila,” pagkatapos ng alkalde. (ANDI GARCIA)