Advertisers

Advertisers

Oklahoma City Thunder wagi vs Indiana Pacers

0 6

Advertisers

PINANTAYAN ni Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang career high na 45 points upang pamunuan ang opensiba ng Oklahoma City Thunder laban sa Indiana Pacers, 120-114, Huwebes(Biyernes Manila time) dinugtungan ang kanilang NBA win streak sa nine games.

Ang 26-year-old Canadian guard ay gumawa ng 15-of-22 shots mula sa floor,4-of-5 mula sa 3-point range,at 11 sa kanyang free throws habang nagdagdag ng palamuting seven rebounds, eight assists, two blocked shots at steal sa maestro performance.

“It’s the extra plays that put you over the edge,” Wika ni Gilgeous-Alexander. “We have a group of guys that are hungry to do whatever it takes to win and that’s why we win.”



Jalen Williams nagdagdag ng 20 points at Isaiah Hartenstein nagdagdag ng 11 points at 13 rebounds para sa Thunder sa kanyang 11th double-double sa season.

Ang Western Conference-leading Thunder ay 24-5 at patuloy na gumogulong sa kabila ng pagkatalo sa NBA Cup final sa Milwaukee.

“The main thing is it’s genuine,” Sambit ni Hartenstein. “We’re not coming in trying to fake something. We really all support each other.

“We’re not trying to put something on for the TV or for the world to see. We’re really supporting each other and I think that’s what makes it special.”

Andrew Nembhard pinamunuan ang host Pacers (15-16) sa iniskor na 23 points.