Advertisers

Advertisers

IMPEACHMENT NI MISFIT SARA

0 63

Advertisers

TATLO ang reklamong impeachment na inihain ng iba’t-ibang grupo laban kay Misfit Sara sa Camara de Representante. Hindi puedeng talikuran ang mga ito ng Camara at magsawalang bahala sa 2025. Maaari itong harapin ng Committee on Justice ng Camara tulad na nakagawian. Maaari itong idiretso sa Senado kung mayroon lagda ng isang ikatlo (1/3), o 105, ng lahat ng kasapi ng Camara. Uupo ang mga senador bilang hukom sa paglilitis kay Misfit Sara.

Magiging taga-usig ang Camara sa mga reklamong impeachment laban kay Misfit Sara. Aalamin ng Camara kung may basehan ang mga reklamo laban sa kanya. Kung may batayan, tuloy-tuloy ito sa Senado. Dahil patuyang tumanggi si Misfit Sara na magpaliwanag sa mga mambabatas sa nakalipas na pagdinig sa Camara, didinggin ito upang malaman ang kanyang panig. Hindi namin nakikitang makakalampas ang kapalaluan ni Misfit Sara sa Senado.

Noong Pasko, inihayag ni Misfit Sara na si Gongdi ang tumatayong opisyal na manananggol sa kanyang tatlong impeachment complaint sa Camara. Nagdiwang ang Inferior Davao sa pahayag na sa buong akala nila si Gongdi ang pinakamagaling na abogado sa Filipinas. Pinagtatawanan ito ng mga nakakaunawa sa batas dahil batid nila na pipitsugin at patapong abogado si Gongdi. Malulubog lang ang kanyang anak kahit isama pa niya ang isang pangkat ng mga abogado ang kapwa niya patapon at pipitsuging abogado tulad ni Sal Panela, Harry Roque, at Jose Calida.



Opisyal na kinilala ni Misfit Sara na ang impeachment proceedings laban sa kanya. Alam niya na hindi ito mga biro at wala siyang magagawa upang hindi ito matapos sa 2025. Hindi nagtiyaga at naghirap ang mga mambabatas – lalo na sa Camara at ang mga QuadComm at Committee on Good Governance – na halungkatin ang mga kalokohan ni Misfit Sara upang pakawalan siya sa dakong huli. Tampok sa tatlong reklamong impeachment ang akusasyon na dinambong niya ang P612-M na confidential fund na ibinigay sa OVP at Deped noong siya ang kalihim nito.

Hindi namin nakikitang makakabangon si Misfit Sara sa kumunoy ng kamalasan dahil pawang kamalian ang kanyang diskarte. Mahina ang ulo tulad ni Gongdi at walang diskarte sa tama si Misfit Sara. Tipikal na Inferior Davao ang takbo ng pag-iisip ni Misfit Sara. Liko-liko at walang pagkilala sa tama. Palagi sa mali.

Hindi magiging suliranin ang pagdinig ng Camara sa tatlong impeachment complaint laban kay Misfit Sara. Didinggin ito ng kasalukuyang Camara hanggang magsara ang Kongreso sa Pebrero upang magbigay daan sa halalan sa Mayo. Nandiyan ang mambabatas na hindi nagustuhan ang naging asal ni Misfit Sara sa Camara.

May posibilidad na hindi didinggin ng Senado ang tatlong impeachment complaint kahit isampa ang mga ito ng Camara sa Pebrero. Walang panahon na dinggin ng kasalukuyang Senado bilang hukuman dahil sa halalan. Ngunit walang nakasaad sa Saligang Batas na hindi didingin ang anumang impeachment complaint kapag nagsara ang bawat Kongreso upang magbigay daan sa halalan. Mamalagi ang isinampang aprubadong impeachment complaint na isinampa ng Camara upang dinggin ng susunod na Senado.

Malaki ang posibilidad na diringgin ang aprubadong impeachment complaint sa pagbubukas ng panibagong Kongreso sa katapusang linggo ng Hulyo sa 2025. Malaki ang pagkakaiba ng bagong Senado sa Hulyo. Hindi namin nakikita ang pagbabalik ni Bato dela Rosa at Bong Go at kahit si Francis Tolentino, ang super balimbing na planted ni Gongdi sa hanay ng administrasyon, sa bagong Senado. Matatalo sila sa halalan na wala ang Smartmagic. Ang nakikita namin ay ang dalawa o tatlong buwan na pagdinig ng Senado bilang hukuman at ang tuluyang pagpapatalsik kay Misfit Sara sa poder.



Ngayon, maiging itanong kung sino ang magiging bise presidente ni BBM. Hindi namin nakikita na pipili si BBM ng isang ambisyosong hangal na maghahangad na agawin sa kanya ang timon ng bansa. Mas nakikita namin na ilalagay niya ang isang kakampi na naghahangad na magbitiw sa 2028.

Anong mangyayari kay Misfit Sara sa kinabukasan? Magandang tanong iyan pero sa totoo lang, wala kaming nakikitang maningning na kinabukasan sa kanya. Pinakamaganda ang magretiro na siya at huwag ng makialam sa pulitika sa bansa.

Mas maigi rin na maghanda siya sa mga sakdal na plunder na maaaring ihanda ng mga kalaban niya sa pulitika. Mahirap mapawalang sala siya kung mananatili ang kanyang kapalaluan na huwag magpaliwanag. Tingnan natin ang galing ni Misfit Sara sa mga kamalasan na haharapin niya. Abangan.

***

HINDI namin naiwasan na tumawa ng malakas ng mangaral si Misfit Sara sa kanyang mensahe ngayong Pasko. Nais niyang magpatawad tayo sa kanya. Teka, teka, humihingi ba siya ng patawad sa mga katampalasan sa pondo ng bayan?

Magpaliwanag muna siya at ibalik ang salapi ng bayan na ninakaw. Iyan ang pinakamahalaga bilang simula ng anumang kapatawaran sa kanya. Ganyang kasimple.

***

MGA PILING SALITA: “Huwag kayong masisindak sa mga resulta ng kung ano-anong survey. Hindi dahil nanguna sa survey, panalo na o may malaking pag-asa na manalo sa halalan. Hindi ganyan ang dynamics ng survey. Sa sandaling gumulong ang kampanya, marami sa mga nahuhuli sa mga survey ay hahabol at lalampasan ang mga mangunguna. Marami sa mga nangunguna ang malaglag. Maaari pa silang matalo. Nakita ko iyan sa mga kampanya ni Ramon Mitra, Manny Villar, at Jojo Binay. Palagi silang nangunguna sa survey pero natalo sa halalan. Si Mitra, fourth prize lang noong 1992; si Manny Villar, third prize noong 2010; at si Jojo Binay, 4th prize noong 2016. Kaya hindi ako post ng mga resulta ng mga survey kasi iba-iba ang political dynamics ng bawat halalan. Si Sonny Trillanes nakakulong at hindi nakapangampanya noong 2007. No. 53rd siya sa umpisa ng kampanya. Pero humabol at nanalo bilang ika-11 senador noong halalan na iyon. Huwag kayong padadala sa mga survey. Marami pang puedeng mangyari sa sandaling mag-umpisa ang kampanya.” – PL, netizen, kritiko