Advertisers

Advertisers

Family business: Magulang taga-repack, anak taga-benta ng shabu

0 12

Advertisers

NAKUMPISKA ang halos 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.02 mil-yon sa apat na miembro ng isang pamilya sa Barangay Calumpang, Molo, Iloilo, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina alias “Rommel,” 56 anyos; misis na si alias “Cecel,” 56, parehong walang trabaho; at dalawang anak na sina alias “Caloy”, 21; at “Nene”, 20.

Narekober mula sa mga ito ang 10 heat-sealed at 2 knot-tied transparent na sachets ng shabu, buy-bust money, at iba pang gamit.



“It’s their family business. Despite the caution of the barangay (officials) (village officials) and residents, they continue with their transaction because they claim it is their source of living,” wika ni Iloilo City Police Station 4 (ICPS4) officer-in-charge Captain Ryan Christ Inot sa isang panayam noong Huwebes.

Ayon kay Inot, nakakulong ang dalawang iba pang anak ng pamilya. Ang isa sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa at isa pa sa Bureau of Jail Management and Penology sa Ungka, Jaro, na naaresto dahil sa pag-aari ng mahigit P2 milyong halaga ng droga ngayong taon.

Sinabi rin ni Inot na naharap ang ama ng pamilya sa isang kaso ng robbery.

Sa negosyo ng ilegal na droga ng pamilya, ang mga magulang ang nagre-repack ng shabu habang ang mga anak ang naghahatid ng mga ito sa kanilang mga kliyente.

Sa pamamagitan ng kanilang mga koneksyon, ipinapadala ng kanilang anak na nakakulong sa Bilibid ang mga droga gamit ang roll-on roll-off at idina-drop sa transport terminal.



“They could not call them drug lord, but they can be classified as stockman and distributor. Their markets are usually in Molo, Arevalo, and City Proper districts,” paha-yag pa ni Inot.