Advertisers

Advertisers

Disqualification case vs Quiboloy tuluyang ibinasura ng Comelec

0 26

Advertisers

PINAGTIBAY ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon na nagbabasura sa disqualification case na inihain laban kay Kingdom of Jesus Christ founder at leader Pastor Apollo Quiboloy.

Sa inilabas na resolusyon ng poll body, ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ng petitioner na si Atty. Sonny Matula at ng Workers and Peasant’s Party o WPP dahil sa kakulangan ng merito.

Base sa inihaing mosyon nina Matula, ipinadi-disqualify si Quiboloy dahil sa paghahain nito ng certificate of candidacy sa ilalim ng WPP kahit na hindi awtorisado ang nakalagay sa kaniyang certificate of nomination and acceptance na maituturing na material misrepresentation.



Pero sa sagot ng kampo ni Quiboloy, kahit na walang awtoridad si Atty. Mark Tolentino na kumatawan para sa WPP ay hindi pa rin ito grounds para ma-disqualify ang isang kandidato sa ilalim ng batas.

Moot and academic na rin anila ang isyu lalo na’t tatakbo na si Quiboloy bilang isang independent candidate.



Bukod diyan, hindi rin daw dapat ideklarang nuisance candidate o panggulo lamang si Quiboloy dahil lamang may kinakaharap itong kaso.

Kaya ayon sa Comelec, walang valid ground sa inihaing mosyon at pinapayagan ang pagtakbo ni Quiboloy bilang senador sa 2025 midterm elections.



Sa ngayon ay nakakulong si Quiboloy dahil sa mga reklamong child abuse at human trafficking.