Advertisers
MATAPOS ang ilang buwan na pahinga at paglilibang,doube Olympic champion Carlos Yulo ay babalik sa kanyang training sa susunod na taon upang paghandaan ang parating na world championship at ang 33rd Southeast Asian Games.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas 2 sports, sinabi ng 24-year-old Yulo na kailangan nyang makabalik sa kundisyon matapos ang mahabang pagliwaliw simula magwagi ng 2 gintong medalya sa Paris Olympics nakaraang Agosto.
Alam ng batang Leveriza na siya ang marked man lahat ng karibal ay gusto siyang talunin sa darating na kumpetisyon.
“‘Yong mindset ko po talaga. [Especially ngayon] na kailangan ko pong magsipag, knowing ‘yong mga co-gymnasts ko po from other countries, hindi po sila nagpahinga talaga and nagti-training parin sila,” Wika ni Yulo.
“Kailangan ko pong matapatan po ulit ‘yon and I’m really looking forward po sa mga next year na trainings po and ma-test ulit ‘yong sarili ko sa mga competitions po,”dagdag nya. “Pahinga ng kaunti kasi next year bakbakan na po ulit.”
Yulo ay nakatakdang lumahok sa FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Oktubre sa Jakarta,Indonesia. Dalawang beses siyang nangibabaw sa floor excercise (2019) at vault (2021).
Simula noon,ang maliit na atleta ay nagbulsa rin ng 2 silvers at 2 bronzes simula 2018.
Inaasahan rin na pamumunuan ni Yulo ang Nationals sa SEA Games na nakatakda sa Thailand sa Disyembre kung saan siya makikipagkumpitensya sa tabi ng kanyang batang kapatid na babae at rising gymnast star Elaisa. Gayunpaman, Eldrew, ay ineligible dahil sa kanyang edad.
Kapag pinalad, umaasa ang two-time world champion na madepensahan ang kanyang Olympic title sa 2028 Los Angeles edition.