Advertisers

Advertisers

Apat na araw bago ang New Year…101 NA TINAMAAN NG PAPUTOK – DOH

0 13

Advertisers

UMABOT na sa 101 ang naitatala ng Department of Health (DOH) na kaso ng firecracker related injuries sa buong bansa apat na araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na ang naitalang mga kaso ng pagkasugat dahil sa paputok ay mula sa limang rehiyon.

Pinakamarami ang nai-record sa NCR habang sumunod ang region 3, region 2 na sinundan ng Region 6, Ilocos Region at Central Visayas Region.



Iniulat din ni Domingo na lima sa 101 naiulat na firecracker related injuries as of 6am nitong Biyernes ay sumailalim na sa amputation.

Sinabi pa ni Domingo sa nasabing injury na naitala ay nagdulot ito ng pinsala sa bahagi ng mata, kamay, ulo, binti at braso ng mga biktima.