Advertisers
Nagpapatuloy ang masusing pagre- review ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga economic managers at mga gabinete sa 2025 proposed national budget.
Ito ang sinabi ni Executive secretary Lucas Bersamin sa gitna ng pagtiyak na naaayon sa itinatakda ng Konstitusyon ang aaprubahang budget ng Pangulo sa susunod na taon.
Ayon kay Bersamin, napakaingat ng Pangulo hindi lamang sa pagpa- plano ng budget kundi kung paano din ito gugugulin lalo’t limitado ang fiscal sources.
Aba’y dapat lang maging masinop ang Pangulong Marcos Jr. sa 2025 budget na isinumite ng Bicam dahil kinokondena ito ng mga mamamayang Pilipino panabay ang pagsasabing ito na ang pinaka-corrupt na isinumiteng budget ng Bicam sa kasaysayan ng bansa.
Marami ang nagsasabing dapat itong i- veto ng Presidente at magkaroon na lamang ang bansa ng reenacted budget for 2025 para maiwasan ang pagdambong ng ilang buwayang kongresista at senador sa pondo ng bayan.
Lalo pa ngayon na nangako ng malaking halaga si Speaker Romualdez sa kanyang mga palamuning kongresista para gamitin sa vote- buying scheme ng mga ito.
Tila sinasadyang i- delay ang paglagda sa 2025 budget para pulsuhan ang posibleng maging reaksyon ng taong bayan hinggil sa controversial Php 6.8 trillion 2025 proposed budget na isinumite at ninagic ng Bicam.
Dito siguradong magtatapos ang kaligayahan ng mga buwayang namamahay sa Kongreso,Senado at Malacanang.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com