Advertisers
TINAPOS ng Philippine national weightlifting team ang kanilang kampanya sa 2024 Asian Youth at Junior Weightlifting Championship, naguwi ng 25 medalya, at ang 5 ay ginto.
Naguwi rin ng 10 silver at 10 bronze medal.
Aldrin Colonia at Jhodie Peralta nagwagi ng 3 pinagsamang gold medals. Colonia nabuhat ang kauna-unahang two gold medals sa men’s 49-kilogram youth division sa clean and jerk (118kg) at sa total lift (213 kg), habang si Peralta nakamit ang kanyang gold medals sa women’s 55kg youth division sa pamamagitan ng snatch (84kg) at ang total lift (184 kg).
Parehong may silver sa kanya-kanyang events, si Peralta sa clean and jerk at si Colonia sa snatch, natalo ang gold sa kapwa Filipino Eron Bore,na nabuhat ang 97kg.
Samantala,sa men’s 55kg youth division,Prince Keil Delos Santos naaresto ang 3 silver medals sa lahat ng categories, nabuhat ang 110kg sa snatch at 132 kg sa clean and jerk, may kabouang 242kg.
Nakamit rin ni Delos Santos ang three bronze medals sa men’s 55kg youth division, nabuhat ang parehong eksaktong numero na meron siya sa youth division.
Sa women’s division 40kg youth division, Althea Bacaro nagwagi ng 2 silver at bronze, nabuhat ang 55kg sa snatch para maangkin ang silver at 73 kg sa clean and jerk para sa bronze, sapat na para sa kabouang buhat na 128kg para ibigay sa kanya ang silver medal.
Iba pang medalist sa event ay sina Rosalinda Faustino (2 bronze medals, women’s 49 kg youth division), Alexsandra Ann Diaz (2 bronze medals, women’s 45 kg youth division), Princess Jay Ann Diaz (bronze in snatch, women’s 40 kg youth division), Rose Jean Ramos (silver in snatch, women’s 45 kg junior division), at Angeline Colonia (1 bronze, 1 silver, women’s 45 kg junior division).
Ang 2024 Asian Youth and Junior Weightlifting Championship na ginanap mula Disyembre 19 hanggang 25 sa Doha,Qatar.