Advertisers

Advertisers

Salpukan ng bus at trailer truck: 9 sugatan

0 26

Advertisers

SUGATAN ang siyam na katao nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at trailer truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Isabang ng Tayabas, Quezon nitong Miyerkoles, December 25, 2024.

Sa report, minamaneho ni alyas “Reynaldo”, 48- anyos ang Daewoo Bus ng Philtranco Company na may plakang AAZ1507; at ang Trailer Truck na may plakang CBN 2756 na minamaneho naman ng driver na si Aljon Magboo, na nasa hustong gulang 9:20 ng gabi December 25, 2024 araw ng Pasko.

Ayon sa report ng pulisya Tayabas PNP, kasalukuyang tumatawid ang Trailer Truck na minamaneho ni Magboo, patung ng Lucena City, ng aksidenteng mabangga ng nasabing bus parehong nagkaroon ng pinsala ang dalawang sasakyan at nasugatan naman ang driver na si “Reynaldo” at walong pasahero ng bus din ang nasugatan kabilang ang isang babaeng senior citizen na edad 71 anyos at batang babae na edad 2 taon na agad dinala sa Quezon Medical Center sa Lucena City, habang agad inilipat sa isa pang bus ng Philtranco ang iba pang pasahero para maihatid sa kanilang destinasyon.



Mahaharap ang driver ng bus sa kasong Reckless Imprudence Resulting into Damage to Property at Multiple Slight Physical Injuries.(Koi Laura)