Advertisers

Advertisers

Pagkamatay ni Kris fake news

0 16

Advertisers

BY ROMMEL PLACENTE

SA pamamagitan ng kanyang vlog, pinabulaanan ni Ogie Diaz ang kumakalat na chikang pumanaw na ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito ay kaugnay ng mga kumakalat na balita sa internet na isang kilalang personalidad daw ang pumanaw na kalakip ang naka-blur na larawan,na tila may hawig kay Kris at may caption pa nga itong “If it is true, why keep it a secret? Are they keeping a secret?



Sabi ni Ogie,That’s why I asked Tita Mary Ann Opeña, isang napaka-close kay Kris. Tinawagan niya agad si Alvin, ‘yung secretary ni Kris at natawa na lamang ito.

Natawa ito dahil wala raw katotohanan ang kumakalat na balita tungkol sa TV host-actress.

“Siyempre nasa recovery stage si Kris pero sabi nga ni Tita Mary Ann, ‘Naku! Pag ganyan, hahaba lalo ang buhay ni Kris Aquino,” Anita pa.

Pero sa kabila ng kanyang pag-denay sa chika ay ang babala nito na dapat huwag ugaliing magpakalat ng fake news.

“Huwag na ‘yung mga ganyan. Dapat nga mag-wish tayo na sana ay gumaling si Kris para matupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng show,” sabi pa ni Ogie.



***

PINAG-UUSAPAN ngayon at kilig na kilig ang nga faney nina Elijah Canlas at Miles Ocampo matapos kumalat sa social media ang isang video clip ng dalawa na huling-huli sa camera na nag-kiss.

In-upload sa TikTok ni @leal20em ang kissing ng dalawa nung dumalo sila kamakailan sa wedding ng celebrity couple na sina Jose Manalo at Mergene Maranan na ginanap sa isang beach resort sa Boracay.

Magkatabi pa nga sa upan sina Miles at Elijah nang biglang mahuli sa video ang biglaang pag-kiss ng dalawa habang isa-isang naglalakad sa aisle ang mga abay.

Caption pa ng TikToker, “My parents!! [holding back tears, white heart emojis] @Miles Ocampo @Elijah Canlas.”