Advertisers
Kulong ang isang tulak na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng halos P700k halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa report kay Northern Police District (NPD) P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jun-Jun”, 24.
Ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy bust operation laban sa suspek, ala-1:40 ng madaling araw sa Pag-ibig St., Brgy., Lingunan.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)