Advertisers
Ni Oggie Medina
MADALAS kong makita noon sa TV na pinakikilala nina Boy Abunda at Willie Revillame si Manny Villar sa mga political ad.
Una kong nakilala si dating Senate President Manny Villar noong kanyang kaarawan, Disyembre 13, 1998, sa BF Resort Village, Las Pinas City, na malapit lang sa tinitirhan ko dati. Congressman (at House Speaker) pa siya noon at may maikling programa sa Club Italia’s tennis court ng nasabing village. Iyong ibang grupo ay nagkaroon din ng programa sa Villar’s tree nursery.
Nagkataong kasal siya kay Cynthia Aguilar-Villar, anak ni dating Las Pinas City Mayor Filemon Aguilar (tiyuhin at ninong sa kasal ng aking Uncle Rey na taga La Huerta, Paranaque).
Si Manny Villar, isa sa pinakamayaman at maimpluwensiyang tao sa Pilipinas, ay isang dating squatter sa Moriones, Tondo, Manila. Nagtitinda siya dati ng mga hipon sa
Divisoria. Isang araw bago sumapit ang kanyang kaarawan ay binisita niya ang dating bahay niya sa Tondo kung saan siya ay namigay ng scholarships sa mahihirap na mga estudyante.
Pagkatapos ng kanyang birthday celebration sa kanyang tahanan ay pinahatid ako nina Manny at Cynthia sa kanilang drayber upang ligtas na makarating sa aking tahanan.