Advertisers

Advertisers

Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON

0 6

Advertisers

NAGPANAYANIG ang Taguig sa buwenamamong torneo ng Sharks Billiards Association (SBA) Championship matapos ungusan ang Manila sa game 5 (3-2) finals na sumargo kamakalawa ng gabi sa Sharks Arena and Sports Bar sa Tomas Morato, Quezon City

Ang tropang Taguig Stallions ay kumikig sa game 2 matapos silang madisgrasya sa game 1 ng Manila Mavericks sa kanilang bakbakang “king of the hills”.

Bumalikwas ang Manila MSW Mavericks sa game 3 sharks doubles na tinapatan naman ng Taguig sa game 4 Sharks doubles upang mauwi sa rubbermatch one-on-one sa pampinaleng game 5 ng sarguhang may basbas ng Games and Amusement Board( GAB).



Tinanghal na player of the game (5) si Stallion Rodrigo ‘Edgie’ Geronimo sa kanyang sterling performance na 2 golden breaks, 81% win rating at 97% overall rating upang akayin ang Taguig sa makasaysayang kampeonato ng torneong inorganise ni SBA CEO/founder Hadley Mariano katuwang si SBA Marketing Director George Ho

Binubuo ang champion team nine Geronimo, Micheal Dimples Quinoy, Demosthenes Pulpul, Bryan Saguiped at Jaynard Orque.

“ Team effort at suwerte na rin.Golden breaks ang susi ng aming tagumpaý malagas na katunggali,” Geronimo na instrumento sa pagdurog sa Jonas “silent killer” Magpantay.