Advertisers

Advertisers

DOJ ATRAS – ABANTE SA REKOMENDASYON NG QUADCOM VS DIGONG

0 22

Advertisers

Nilinaw ni Department of Justice Undersecretary Jesse Andres na hindi ukol sa crimes against humanity ang ipapadalang subpoena kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kung tuluyan mang magpapadala ng subpoena ang ahensiya sa dating Pangulo, kasabay ng kanilang ginagawang imbestigasyon ukol sa umano’y malawakang patayan sa ngalan ng war on drugs.

Paliwanag ni Usec. Andres, bilang pagtalima sa ‘due process of law’, kailangang ipatawag ng dating pangulo kung sakaling makakabuo na ang DOJ ng reklamo na maaaring iharap sa dating Pangulo.



Sa kasalukuyan kasi aniya ay patuloy ang paglikom ng DOJ ng mga ebidensiya mula sa National Bureau of Investigastion, Philippine National Police, at iba pang ahensiya upang makabuo ng pormal na reklamo.

Oras na mabuo ang reklamo, kailangan aniyang ipatawag ang kakasuhan upang mabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang panig.

Ayon kay Usec. Andres, ito ang pangunahing rason kung sakaling ipatawag o papadalhan ng subpoena ang dating pangulo, at hindi dahil sa crimes against humanity

Una rito ay inirekomenda ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang pagsasampa ng kaso laban kay dating PRRD at sa ilang kaalyado, kasunod ng 13 serye ng pagdinig.

Ang pangunahing kaso na maaaring iharap sa dating Pangulo, ayon sa Quad Comm, ay ang crimes against humanity at genocide, batay na rin umano sa mga lumabas na ebidensiya sa mga serye ng pagdinig nito.



Malinaw na sadyang waste of time and taxpayers’ money ang mga ginawang pagdinig ng inutil na Quad Com kung saan inimbitahan pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Akala ko ba,in aid of legislation ang mga ginagawang hearings ng mga bugok na congressmen na ito?

In aid of PERSECUTION pala laban sa mga Duterte.

Pati DOJ tuloy pinahihirapan ng Quad Com sa kanilang inihaing rekomendasyon sa DOJ base sa kanilang ginawang mga PALPAK na hearings.

Sino ba ang abogago este abogado pala sa mga miyembro ng QuadCom?

Si Acop at Luistro ba na kung abogado mang naturingan ay masasabing mga abogagong pulpol.

Malinaw na sinabi ng DOJ na nangangalap pa sila ng ebidensiya para kasuhan si FPRRD kung may kaso nga.

Naghuhukay pa sila hahaha!

Short of saying na basura lamang at walang silbi ang isinumiteng rekomendasyon ng QuadCom.

Mabaho at bulok na basurang isinumite ng mga bobong mambabatas na mahilig magpasikat at mag-grandstanding infront of live media coverage.

Si Dan Fernandez,sobrang sakit sa tengang mag- English.

Ang KAPAL ng face, eh puwedeng namang tagalugin ang mga sinasabi.

Di marunong mahiya!

Ngayon mag-uumpisa from scratch ang DOJ para mag imbento ng kaso laban sa war on drugs ng dating Pangulong Duterte.

Di ba malaking kaululan?

Mga kupal talaga.

May kasunod…

Abangan!

Pahabol: Isang Maligayang Pasko sa ating lahat.

Give love on Christmas day!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com