Advertisers
BUMABA pa ang ‘trust’ at ‘approval ratings’ ni Vice President Sara Duterte nitong Nobyembre, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Bumagsak din ang ratings ni President Ferdinand Marcos, Jr., partikular sa Mindanao at sa mga mahihirap na Filipino.
Si VP Sara ay bumaba ang trust rating sa 49 percent mula sa 61% noong September, kungsaan 12% ang kanyang ibinaba; habang ang kanyang approval rating ay sumadsad din sa 50% mula sa 60% noong September.
Ang Bise Presidente ay mayroong trust at approval ratings na 71 at 69 percents, ayon sa pagkakasunod, noong June.
Ang Pulse Asia ay nagsagawa ng survey habang nasa kainitan ng pagsampa ng impeachment complaints laban kay VP Sara, bunga ng mga iregularidad sa kanyang tanggapan sa paggamit ng confidential funds at kanyang pagbanta laban kay Presidente “Bongbong” Marcos, Jr.
Ang latest Pulse Asia survey ay isinagawa mula November 26 hanggang December 3, 2024 kungsaan 2,400 indibidwal ang mga tinanong.