Advertisers
ASAHAN ang panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, na base sa apat na araw na trading ay nakita nila ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa kanilang pagtaya na maglalaro mula P0.35 hanggang P0.70 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang tinatayang mula P1.10 hanggang P1.40 naman ang pagtaas sa kada litro ng diesel at P0.90 hanggang P1.00 na pagtaas sa kada litro ng kerosene.